Chapter 26 ''Albert, who is this gorgeous woman in front of me?'' hindi makapaniwalang tanong ni Mildred kay Albert. Nakaawang ang lab ni Mildred nang makita si Crismafel. ''I'm Crismafel Libron, secretary of Leon Carson. Good morning, Madam. Hinahanap ko ang robot na lion king kong amo,'' walang prenong sabi ni Crismafel sa ina ni Leon. ''Aa! Tinawag mong Lion King ang amo mo?'' Napadilat ng mata si Mildred sa tawag ni Crismafel kay Leon. ''Aha! Lion King na robot!'' pagtatama ni Crismafel. ''Aa! Albert, kunan mo ako ng malamig na malamig na tubig, please?'' maarteng utos ni Mildred sa kaniyang assistant at mukhang nang-iinit na siya sa kaharap na dalaga at baka mamaya ma-highblood siya rito. Ayaw pa naman niyang ma-stress dahil ayaw niyang mangulubot ang mukha niya. Agad namang tu

