Chapter 37 “Ehem! Mukhang wrong timing yata ang pagpasok ko,’’ nakangiting panunukso ni Reagan sa dalawa. Agad na itinulak ni Crismafel si Leon at umatras. Pakiramdam niya ay may mga dagang naghahabulan sa kaniyang dibdib. Sobrang bilis ng t***k ng kaniyang puso na kahit kay Jordan ay hindi niya pa ito nararamdaman. “Sir Reagan, maiwan ko na kayo at mukhang mahalaga yata ang pag-uusapan niyo,’’ nahihiyang paalam ni Crismafel at dali-daling lumabas sa opisina ni Leon saka nagtungo sa kaniyang pwesto. Hindi niya maipaliwang ang kaniyang nararamdaman ngayon. Habang si Leon naman ay taas kilay na nakatitig kay Reagan na parang nainis at nabitin sa isang bagay na gusto nitong maabot. “What do you need?’’ nainis na tanong niya kay Reagan. Lalo naman natawa si Reagan sa reaksyon ng kaniyang

