Chapter 29 Nang mahimasmasan na si Crysmafel sa pag-iyak ay nagpasya na siyang umuwi. Ngunit nag-alala naman sa kaniya ang kaniyang tiyahin, tiyuhin at pinsan na si Gina dahil nang puntahan siya ni Gina sa kaniyang silid ay wala na siya. Tinatawagan nila ito ngunit hindi naman niya sinasagot ang tawag ng mga ito. Alas-syete na ng gabi siya nakarating sa bahay nila. Ngunit nagulat siya nang makita niya si Reagan na nakaupo sa sofa kasama ng pinsan niyang si Gina at ang kaniyang tiyuhin at tiyahin. Agad napatayo ang mga ito nang makita siya. “Nakong bata ka! Saan ka ba galing?’’ alalang tanong ng kaniyang Tito Oscar sa kaniya. “Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin na aalis ka? Sobrang nag-alala kami sa‘yo,’’ sabi naman sa kaniya ni Tita Tessy at lumapit ito sa kaniya. “Okay ka lang ba

