Chapter 35 Nang makarating sina Crismafel at Leon sa engagement party ay nagsisimula ng idaraos ang engagement party ni Stefi at Nathaniel. Hindi rin nawala ang mga media na dumalo at ini-interview ang mag-couple na sina Nathaniel at Steffi. Nang makita ng mga media si Leon at Crismafel ay sila naman ang ininterview nito at iniwan ang dalawa. Sa kanila nabaling ang atensyon ng mga tao. Halos lahat ay namangha sa kagandahan ni Crismafel. “Mr. Carson!” sabay na tawag ng tatlong reporter kay Leon. “Mr. Carson, ito na ba ng bago mong nobya? Totoo ba na ang dahilan ng paghihiwalay ninyo ni Stefi ay dahil pareho kayong may iba ng mahal?’’ tanong ng isang reporter kay Leon. Si Crismafel naman ay nakapulupot ang braso kay Leon. Ngumiti lang siya sa mga tao at media. Habang si Leon naman ay

