Chapter 40 KINABUKASAN Pagkatapos mag-opisina nina Leon at Crismafel ay tumuloy sila sa bahay nito upang makausap sana si Mildred. Subalit ayaw ni Mildred nakipagharap kay Leon kapag kasama ni Leon si Crismafel. Namasyal na lang muna si Crismafel at Leon sa dagat at nag-uusap. Nang magsawa sila ay hinatid ni Leon si Crismafel sa bahay nito. Naabutan naman nila si Reagan sa sala. ‘’Oh, ano ang ginagawa mo rito?’’ tanong ni Leon kay Reagan. “Umaakyat ng ligaw,’’ ngiti namang sagot ni Reagan sa kaniya. Nakunot ang noo ni Leon sa sagot ng kaibigan. ‘’Sir, si Gina ang nililigawan mo?’’ excited na tanong ni Crismafel at naupo sa tapat ni Reagan. Si Leon naman ay naupo sa tabi nito. Hindi pa nakasagot si Reagan ay sumabat na si Gina na galing sa kusina at may dala itong juice at sandwich

