Chapter 11 ANALYN MAE POV HANGGANG NGAYUN AY kinukulet parin ako ng tiyahin ko dahil naniningil na daw ang inutangan niya ng pera kaya ako naman ako ang kinukulet niya. Ipapadala ko tuloy ang tinatago kung pera pero sabi ko ay inutang ko lang iyon kaya kailangan kung bayaran. At maliit na lang ibibigay ko sa kanya sa katapusan. " Oo na. Basta ipadala muna mamaya." May pagmamadali sa tono na sabi ni ante sakin. Kausap ko siya ngayun habang nasa loob ng kotse at ihahatid kona ang alaga ko. Kung makapagmadali akala mo may pinatago. Kung hindi lang ako natatakot na baka pumunta siya dito sa manila ay nunkang bigyan ko siya ngayun ng pera. " Opo." Nakasimangot kung sambit habang nakatingin kay mang bong. Napailing naman ang matanda at nakatingin lang sa daan. " Oh sige na. Pupunta pa ako

