Chapter 70 ANALYN MAE POV NANG SUMAPIT ANG GABI ay inasikaso ko ang alaga ko. Pinuntahan ko siya sa kwarto niya para makakain na siya. Sunod ko naman tinawag ang amo kung lalake/boyfriend. " Sir?" Katok ko sa pintuan niya. Nakalock kasi sa loob kaya hindi ako makapasok. Isang minuto bago bumukas ang pintuan. " Yes?" Tanong niya sakin ng mabuksan ang pintuan. Mukhang kagagaling lang niya sa pagkakatulog. Maaga siyang umuwe kanina. Nagtaka nga sila manang dahil ang aga daw umuwe ng amo namin. " Kakain na po." Nakangiti kung sagot sa kanya habang nakatingin sa gwapo niyang mukha. Ang gwapo talaga niya. Kaya naman hindi ko napigilan magka-crush sa kanya. Ngayun boyfriend kona. Ngumiti naman ang amo ko saka sumandal sa hambaan ng pintuan at matiim akong tinititigan sa mga mata. Hindi nam

