HABANG nakatanaw si Sister Carol sa bakanteng bahay nina Daryl, napansin niya na bahagyang nakaawang na ang gate. Kumunot ang noo niya. Natatandaan niya na maayos iyong nakasara kanina habang nag-uusap sila ng Mommy Alessandra niya. At kahit noong pumasok siya sa sala. "Lalabas lang po ako sandali, 'My," paalam niya sa ina. Tumango lang ito habang inaasikaso ang Daddy Arnold niya. Tumawid si Sister Carol sa kabila. Bawat hakbang ng mga paa ay naririnig niya ang sariling pulso. Umingay ang lumang bisagra nang mapalakas ang pagbukas niya ng gate. Bumungad sa kaniya ang amoy ng alikabok at lumang kahoy. She felt it all at once. Something old and familiar rising in her chest, like a memory pressing into the present. Lalong napuno ng pagtataka ang mukha ni Sister Carol nang malaman ni

