ENEMY

1734 Words
DARYL smiled bitterly nang maalala niya ang nakaraang iyon nila ni Carol. Napakabata pa niya noon pero siguradong sigurado na siya noon sa kaniyang sarili na si Carol na ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay. At hanggang sa mga oras na iyon ay walang ibang babae sa puso ni Daryl. Carol was the woman he loved more than life itself. The woman who gave up love for the sake of God. The woman who left him. And Daryl admitted that it still hurt, even after all those years. Hindi nawala ang sakit na iyon kahit ginawa na niya ang lahat. Pero kailangan niyang tanggapin. Tapos na. Wala ng pag-asa para sa kanilang dalawa. At lahat ng mayroon sila ni Carol noon ay parte na lang ng kanilang mga alaala. Gaano man siya naging masaya noon. As he stood at the window, Daryl felt a presence behind him. But he did not turn around. He knew who it was... Leah! Sa halip ay pasimpleng ikinasa ni Daryl ang baril na kinuha niya kanina sa likod ng kurtina. He had purposely hidden a gun there, prepared to blast his way out if things went south. "Leah," malamig na untag niya rito habang nakatalikod pa rin. Nanatili siyang kalmado bagaman at alerto ang isip at depensa niya. "What's the deal?" Hindi ito sumagot. Sa halip ay naramdaman ni Daryl na itinutok nito ang dulo ng baril sa ulo niya. She pulled the trigger pero hindi iyon pumutok. Napangisi si Daryl. "Sh*t!" gulat na hiyaw ni Leah nang mapagtanto nitong wala iyong bala. Sa bar pa lang ay naramdaman na ni Daryl na may kakaiba kay Leah. Na hindi niya ito dapat pagkatiwalaan. Kaya sinadya niyang dalhin ito sa penthouse niya para malaman ang pagkakakilanlan nito. At kung sino o anong grupo ang nagpadala rito para patayin siya. Naglagay siya ng baril na walang bala sa drawer para patunayan na tama nga ang hinala niya sa babae. Dahan-dahan siyang humarap dito na may nakakalokong ngiti sa mga labi. And then he pointed his own gun at her. "Oh, nice try, Leah. That gun is useless. Mine's the real deal. You're in trouble." Pero nang iputok iyon ni Daryl ay mabilis na nakaiwas ang babae at sinugod siya. Nagulat siya sa liksi ni Leah. He did not expect that. "I'm sorry, Daryl. No hard feelings. But you're finished," nakangising wika nito bago muling sumugod na mabilis ding nasangga ni Daryl. Naglaban sila sa iba't ibang klase ng martial arts. They both skilled. Nagpambuno sila sa loob ng silid na iyon. Nawasak ang halos lahat ng mamahaling kagamitan. Pareho na rin silang bugbog-sarado. But neither of them giving up. Aminado si Daryl na isa si Leah sa pinakamatinding nakalaban niya. Kaya siguradong hindi rin biro ang halagang nakapatong sa ulo niya. At ang tanging gagawa lang niyon ay hindi pipitsuging grupo na may matinding galit sa kaniya tulad ng Maria Cedez. Ilang beses na ring may nagtangka sa buhay ni Daryl. Pero lahat ng iyon ay nasa hukay na ngayon. Si Daryl na eksperto sa Krav Maga ay nilabanan ang bawat atake ni Leah gamit ang kaniyang mga siko at tuhod. Samantalang mahusay naman pala sa Muay Thai ang babae. Bawat suntok at sipa na pinapakawalan nito ay aminado siyang nahihirapan siyang depensahan. Patindi nang patindi ang laban. Tila dinaanan na ng bagyo ang buong kuwarto. Pareho silang hindi sumusuko. At walang balak na sumuko. Nakarating na sila sa loob ng shower room. Nabasag pati ang mga salamin. May mga sugat at dugo na rin sa noo ni Daryl dahil sa mga bubog na tumama sa kaniya nang sipain ni Leah ang salamin. Ngunit sa halip na indahin iyon ay lalo pang uminit at naging ganado si Daryl sa pakikipaglaban. "You're a real fighter, huh? Okay. I'll give you that," sabi ni Daryl, habang nagpapakawala ng malalakas na suntok. Hindi rin naman iyon ang unang beses na nakipaglaban siya sa babae. Sa mundong ginagalawan niya, walang babae o lalaki kapag buhay na ang pinag-uusapan. Lahat sila ay pantay-pantay! Dahil kapag hindi ikaw ang unang kikilos, mauunahan ka. Mauuna kang mabaon sa lupa. "Bring it on," palaban din na sagot ni Leah habang dumedepensa ng sunod-sunod at malalakas na sipa. Palibhasa maraming karanasan sa mga labanan sa kalye si Daryl dahil isa iyon sa training ground ng mga miyembro ng Los Collazos, nagawa niyang makakuha ng advantage. Itinulak niya si Leah sa isang sulok at muling tinutukan ito ng baril. "It's over, Leah. It's game over." Hindi ito sumagot. Nakatingin lang sa kaniya ang mga mata nito na puno ng galit. "You stupid b***h," Daryl growled, grabbing her by the hair. "You think you can take me down?" Nanatili itong tahimik. Ngunit nakita ni Daryl sa mga mata ng babae na unti-unti na nitong tinanggap ang pagkatalo. "You're a threat, but you aren't the one with the gun," malamig na wika niya rito. Muling napatiim-bagang si Leah at saka umatake uli. But Daryl, ready for her, managed to stop her and push her to the ground. Muling uminit ang laban. Nagpalitan na naman sila ng mga sipa at suntok. Pumutok ang labi niya pero nabasag naman ang ilong ni Leah nang suntukin niya. Gayon man ay tuloy-tuloy pa rin ito sa pag-atake sa kaniya na tila hindi man lang napapagod. But Daryl, with his experience and strength, managed to gain the advantage. He slammed Leah against the wall. "You're going to tell me what's going on." Nagbabaga sa galit ang mga mata na itinutok na naman niya sa noo ng babae ang dulo ng kaniyang baril. "Or you're going to die. Right here." Leah spat at him, blood and saliva hitting his face. "F*ck you, Daryl," bulyaw nito na hindi man lang nakitaan ng takot sa mukha. "You can kill me, but you'll get nothing from me." Lalong napuno ng galit ang mga mata ni Daryl. Inihampas niya ang ulo nito sa pader. Nanlaki naman ang mga mata ni Leah dahil sa sakit. "You're going to regret that." Mas idiniin pa niya ang baril sa ulo nito. "You're going to tell me everything, or you're going to die," ulit niya. Mula sa noo ay inilipat niya sa lalamunan nito ang dulo ng kaniyang baril. Binuksan din niya ang bintana at itinulak palabas ang kalahati ng katawan ni Leah. "If you knew me, you'd know I'm not joking. I'll throw you off here," dagdag pa niya. Sa wakas ay nakitaan din niya ng takot ang mga mata ni Leah nang mapatingin ito sa baba. Saka lang yata nito naalala na nasa fiftieth floor pala sila. Gayon man ay mukhang wala pa ring balak na sumuko ang babae. Taas-noo pa rin itong nanindigan. "I'll never tell you anything, you piece of sh*t," muling bulyaw nito kay Daryl. Nakita at naramdaman ni Daryl na wala siyang mahihita kay Leah kahit ano mang pagpipiga ang gawin niya. Magsasayang lang siya ng laway at oras. At iyon ang isa sa mga bagay na inaayawan niya. Ang pinagmumukha siyang tang*! Namula sa galit ang mukha ni Daryl. He pulled the trigger without hesitation. The gunshot echoed through the room. Leah's body slumped to the ground with lifeless eyes. Dumungaw siya sa bintana habang punong-puno ng galit ang kaniyang dibdib. "You should have kept your mouth shut," he growled, spitting on Leah's lifeless body. Tumalikod na siya habang isinusuksok ang baril sa likuran niya. Lumabas siya ng silid na tila walang nangyari. Ni hindi siya nag-abalang magpunas ng mukha na may mga sugat at dugo. The sound of his footsteps echoed through the hallway, a clear reminder of his power and anger. Gayon man ay puno ng respeto na pinagbuksan siya ng pinto ng guwardiya sa gusaling iyon nang lumabas siya. Blangko lang ang ekspresyon ng mukha ni Daryl nang mapalingon siya sa binagsakan ng katawan ni Leah kanina. Wala na ito roon at walang ano mang bakas ang naiwan. Ang nakita na lang ni Daryl ay ang papalayong van. Isa sa mga pag-aari ng Los Collazos ang gusaling iyon. At lahat ng tao sa loob na iyon ay mga miyembro ng organisasyon. Kaya kung natakasan man siya ni Leah, hindi ang mga tauhan niya na tinimbrehan na niya tungkol sa hinala niya. Ang mga ito na rin ang siguradong naglinis ng "kalat" na iniwan niya. Bago sumakay sa sasakyan ay naabutan pa si Daryl ng police mobile. Marahil ay may nakarinig ng putok ng baril, at nag-report. Pero nang makita ng mga pulis si Daryl ay tumango lang ang mga ito at mabilis na umalis. Walang kuwenta ang malaking halaga na isinusuhol nila sa matataas na opisyal ng gobyerno kung hindi maprotektahan o maabsuwelto sa mga kasong kriminal ang Los Collazos, lalo na si Daryl bilang pinuno. Hindi man maituturing na isa sa pinakamalaki at pinakamalakas na cartel ang Los Collazos sa buong America, isa naman ito sa oldest criminals group sa buong Mexico. 1980's pa lang nang magsimula itong mag-operate. Nagsimula itong makilala sa trafficking cocaine and m*******a, hindi lang sa Mexico kundi sa buong America. At ngayon ay kilala na rin sila sa smuggled heroin at amphetamines. Karamihan sa mga cartel na kasosyo at kaalyansa nila ay mga taga-Colombia. Hindi lang million dollar ang perang pumapasok sa grupo kada taon kundi bilyones. They maintained their network by engaging in political corruption and bribery as means to keep officials on their side. Ilang mafia lord na ang umupo at nagtapos ang pamumuno dahil sa kamatayan, na tanging paraan lang para mawala ito sa puwesto. Mahigpit kasing ipinapatupad ng Los Collazos ang pagiging single ng sino mang pinuno na mahahalal. Ibig sabihin, manunumpa ito na bawal mag-asawa para protektahan ang mga lihim ng organisasyon na hindi puwedeng ibahagi sa asawa. At kapag lumabag ay kamatayan ang parusa, hindi lang ng pinuno kundi ng kaniyang buong pamilya. Dalawang taon pa lang sa Los Collazos si Daryl nang maging kanang kamay siya ng kanilang pinuno. Napili siya dahil sa taglay niyang galing sa pakikipaglaban, higit sa lahat, sa katapangan, katapatan, at pagmamahal sa mga kasamahan na ipinakita niya. Kaya nga nang masawi sa giyera ang kanilang dating pinuno na walang ibang tagapagmana, kay Daryl ipinasa ang obligasyon ng pamumuno na sinang-ayunan naman ng matataas, kahit ng mababang miyembro. Pagkasakay ni Daryl sa sasakyan ay agad na tinawagan niya ang kaibigan. "Marco, magkita tayo sa bahay. Kailangan na nating maihatid sa airport ang grupo nina Carol. They're in trouble!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD