SELOS

1236 Words
BAGO umuwi nang araw na iyon sina Daryl at Carol ay dumaan muna sila sa favorite fast food chain nila para kumain. Ang binata ang nag-volunteer na siyang o-order ng pagkain nila at naghanap na lang si Carol nang mapagpupuwestuhan nila . Nang makaupo ay wala sa sariling kinapa ni Carol ang mga labing nahalikan ng kaniyang sariling best friend kanina. Her face suddenly burned as she remembered that kiss that only lasted for a couple of seconds. That was her first kiss! Naalala pa niya kung paano tumigil sa pag-ikot ang kaniyang mundo kanina. Para siyang nahilo na hindi niya maipaliwanag. "G-ganon ba talaga ang feeling ng first kiss?" wala sa loob na kausap niya sa sarili. "Carol..." Namula ang kaniyang pisngi nang marinig ang boses ni Daryl mula sa kaniyang likuran. OMG! Narinig kaya niya ako? "K-kanina ka pa ba diyan?" sa halip ay tanong niya rito. "Huwag kang mag-alala dahil wala akong narinig!" nakangisi nitong sagot bago inilapag ang tray ng pagkain sa mesa nila. Lalong napahiya ang dalaga. Pulang-pula na rin ang magkabilang pisngi niya. Habang tinitingnan niya si Daryl na parang ang saya-saya, hindi siya naniniwala na hindi nito narinig ang sinabi niya kanina. "Ayaw mong kumain?" untag sa kaniya ni Daryl. "Sige ka, uubusan na kita," biro pa nito. Bakas ang pagkaaliw sa mukha dahil sa inaakto ng dalaga. Ngingiti-ngiti pa ito na para bang kinikilig. Nahawa si Carol sa magandang ngiti ng binata kaya unti-unting umayos na uli ang kaniyang sistema. "Wow!" Nanlaki ang kaniyang mga mata sa dami ng pagkain na in-order ni Daryl. "In-spoil mo na naman ako sa pagkain, ah," komento niya habang takam na takam ang mga mata. Aktong dadamputin niya ang fried chicken nang mahina nitong pinalo ang kaniyang kamay. "Wait. Mamaya mo na kainin 'yan. Tatanggalan ko muna ng balat," saway nito. Napangisi si Carol. Nakalimutan niya na si Daryl nga pala itong kasama niya ngayon. Kung ang mga magulang niya ay spoiled siya sa pagkain, puwes, iba sa best friend niya. Matiyaga na hinihimay ni Daryl ang manok para lang tanggalan ng balat bago ipakain kay Carol. Masiyado raw kasi iyong ma-cholesterol kaya puro laman lang ang pinapakain nito sa kaniya. "'Di bale ng cute ang katawan mo basta healthy!" anang binata habang hinihimay ang mga manok na para sa kaniya. "Ang sweet naman ng best friend ko," malambing niyang sabi habang sinisimulan ng kainin ang mga hinimay na manok na inilalagay ni Daryl sa pinggan niya. "Talaga! Walang kasing sweet itong poging best friend mo. Kaya kumain na tayo bago pa langgamin 'tong mga pagkain natin," biro naman ng binata at saka kumain na rin. Hanggang sa makauwi silang dalawa ay walang pagsidlan ng tuwa ang puso ni Carol. Para sa kaniya ay iyon na ang pinaka-memorable at pinakamasayang pamamasyal nila ni Daryl. At hindi niya alam kung bakit. PAGKAGALING sa canteen ay dumiretso si Carol sa football field ng eskuwelahan nila para panoorin ang training ng grupo nina Daryl. Sa bungad pa lang ay nakasalubong na niya ang kaibigan nitong si Vaughn. "Hi, Carol Grace!" todo ang ngiti na bati nito sa kaniya Matipid naman siyang ngumiti rito. "Hello, Vaughn." "Pupuntahan mo ba si Daryl?" "Oo. Baka kasi magtampo kapag hindi ko napanood," anang dalaga. "Sabay na tayo. Manonood din kasi ako," nangingislap ang mga mata na wika ni Vaughn bago tumingin sa dala niyang bag. "Tulungan na kita diyan. Mukhang mabigat iyang bag mo." "Mukha ba akong nangangailangan ng tulong?" biro niya. Mabait naman si Vaughn kaya medyo napapalagay na ang loob ni Carol kapag magkasama sila. "But I insist..." Kinulit siya nang kinulit ni Vaughn kaya hindi na niya ito natanggihan. Ibinigay na niya rito ang kaniyang bag at sabay silang pumunta kung saan nagpa-practice sina Daryl. Pagdating nila roon ay eksaktong nagpapahinga na sila ni Daryl bago magsimula uli. Napangiti ito nang makita siya pero ngiting kaagad ding nabura nang mapatingin ito kay Vaughn at nakitang bitbit nito ang bag ni Carol. Malalaki ang mga hakbang na sinalubong sila nito. "Hindi ko alam na bodyguard ka na rin pala ngayon, pre," maanghang nitong pasaring kay Vaughn habang matalim ang mga matang nakatingin sa kaniyang bag na nakasukbit pa rin sa balikat ng kaibigan nito. Nagtaka naman si Carol sa inaktong iyon ni Daryl. Kumunot din ang noo ni Vaughn. "Hey! What are you talking about?" "Alam mo kung ano ang tinutukoy ko," bulyaw dito ng best friend niya kaya umawang ang kaniyang bibig. Sinubukan pa ni Carol na awatin si Daryl pero kahit siya man ay sinusungitan nito. Pagkatapos nitong tapunan ng masamang tingin si Vaughn ay mabilis na hiniklas ni Daryl sa balikat ng kaibigan ang bag niya at saka siya hinila palayo. "Ano ba, Daryl? Puwede ba dahan-dahan lang at baka madapa ako?" naiinis nang reklamo ni Carol. Sobra siyang naguguluhan. O mas tamang sabihing na-we-weirdo-han sa ikinikilos ng binata. Hindi naman likas na mainitin ang ulo nito kahit gaano pa ito kapagod. Lalo na pagdating sa kaniya. "Bakit ka nagpapaligaw kay Vaughn?" sa halip ay akusa nito sa kaniya. "Gusto mo bang mapagalitan ka nila Tita Alessandra?" Lalong gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Carol. "Ano bang pinagsasabi mo? Bakit naman ako mapapagalitan nina Mommy? Wala naman akong ginagawang masama? At anong 'nagpapaligaw' ang sinasabi mo diyan? Baliw ka ba?" may bahid ng iritasyon ang boses niya. "Pasalamat siya at nagpipigil lang ako kanina. Dahil kung hindi, baka nasuntok ko ang gag*ng iyon," patuloy na pag-aalburuto ni Daryl. Teka? Selos ba 'tong nakikita ko sa mga mata niya? sa loob-loob ni Carol habang nakatingin kay Daryl na napakadilim ng mukha. Parang gusto rin nitong sugurin si Vaughn na kasama ng iba pa nilang mga kaibigan habang patuloy na tinitingnan nang masama. Ngayon lang kasi niya nakita si Daryl na nagalit nang ganoon. Siguro dahil ngayon lang din nito nakitang may kasama siyang ibang lakaki. At si Vaughn pa na sinasabi ni Daryl na may crush daw sa kaniya pero hindi niya pinaniwalaan. "Magmamadre ka tapos nagpapaligaw ka," naiinis pa ring saad ni Daryl. Hindi pa rin maipinta ang mukha kaya naguguluhan na talaga ang dalaga kung ano ang ikinakagalit nito. Ano ba ang mali sa ginawa niya? Pilit niyang tinanggal ang kamay mula sa mahigpit nitong pagkakahawak. "Sino ba ang nagsabi sa'yong nagliligawan kami ni Vaughn, ha?" Tiningnan niya ito nang masama. "Ikaw lang naman 'tong malisyoso. Binibigyan mo ng masamang meaning ang pagiging gentleman ni Vaughn. Parang hindi mo friend 'yong tao." "Stop trying to make a fool out of me! Dahil hindi naman siguro siya mag-aastang bodyguard kung hindi ka nagpapaligaw, 'di ba? May pabitbit-bitbit pa siya ng bag na nalalaman." Nagpanting ang tainga ni Carol sa narinig. "My God, Daryl! Napakaliit na bagay pero pinapalaki mo. Kung ayaw mong maniwala sa'kin, okay fine! Bahala ka sa buhay mo!" "Napakaliit na bagay? Siguro sa'yo, oo. Pero sa'kin-" "Ewan ko sa'yo!" Pinutol na niya ang iba pa nitong sasabihin dahil parang maiiyak na siya sa sobrang inis. "Bahala ka kung ano ang isipin mo! Hindi ko pipiliting maniwala ka. I hate you!" Itinulak niya ito nang malakas at mabilis na nanakbo palayo rito. Hindi na niya napigilan ang maiyak sa sobrang sama ng loob. Iyon ang unang beses na pinagdudahan siya ng kaniyang best friend, at sinabihan pang sinungaling. Pakiramdam tuloy ni Carol ay ang sama-sama niyang tao nang mga oras na iyon. Mali na ba na magkaroon din siya ng ibang kaibigan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD