NATAHIMIK sandali ang paligid pagkatapos kumain nina Sister Carol at Daryl. Ninanamnam lang nila ang nakaka-relax at natural na tunog ng paligid. Ang mabibining hampas ng alon sa dalampasigan, ang huni ng mga ibon, ang pagaspas ng mga dahon… Napalingon siya kay Daryl nang mapansin niya na tila may malalim itong iniisip habang nakatitig sa kaniya. “Ano ang iniisip mo?” malaumanay na tanong niya. “Hmm?” Bumaling ito sa kaniya at saka umiling. “Wala naman. Nagagandahan lang ako sa’yo. You haven’t changed at all until now. Ang ganda mo pa rin,” malambing na sagot nito pero halata sa mga mata nito na mayroon pa itong tinatago. Natatawang napailing siya. “Huwag monga akong bolahin, Daryl. Alam ko na may iniisip ka. And don’t lie to me. Kahit matagal tayong nagkahiwalay, kilalang-kilala pa

