"KAILAN ka pa natutong magsinungaling sa'min, Carol Grace?" boses iyon ng kaniyang ina na sinundan pala siya sa kaniyang kuwarto pagkatapos ng madamdaming komprontasyon nila ni Daryl. "Ilang beses kitang binigyan ng chance to explain yourself. But you chose to lied..." Hindi niya kayang harapin ang ina kaya nanatili na lang siyang nakasubsob sa unan habang umiiyak. Naglalaban ang mga nararamdaman niya. Ang pagkatakot sa Mommy at Daddy niya, at pagkawasak ng kaniyang puso. Naramdaman ni Carol ang pag-uga ng kaniyang kama senyales na umupo sa gilid niyon ang ina. "Niloko n'yo kaming lahat. We trusted you both," puno ng hinanakit ang tinig na dugtong pa ng Mommy ni Carol. Tinamaan ng parang kidlat ang kaniyang puso. Para iyong nahati dahil sa sakit na naramdaman niya. Bumangon si Caro

