"LIKE what?” tanong ni Sister Carol, kahit alam na niya. Hindi niya kasi mapigilan na panaka-nakang sulyapan ang tiyan ni Daryl. Mukhang matigas iyon at batak sa gym kaya maraming abs. Panay tuloy ang tahimik na dasal at paghingi niya ng tawad. "Like..." usal ni Daryl habang dahan-dahan na lumalapit sa kaniya at titig na titig sa mukha niya. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan. Napaatras siya at bumunggo ang likod niya sa lababo. Tumigil sa harapan niya ang binata. Itinukod nito ang mga braso sa sinasandalan niya kaya nakulong siya. Her heart skipped a beat. "D-Daryl..." "Like you're ready to punish me with a prayer and set me free with a breath," sagot ni Daryl habang inilalapit ang mukha sa mukha niya. Hindi na nito natuloy isuot ang T-shirt. Nakapasok naman iyon

