----Keena POV----
Itinarak ko ng malakas ang hawak kong punyal sa malaking puno na nasa harapan ko at saka nilingon ng masama ang bampirang kanina pa nakatitig saakin!
"Do you have problem with me?!"
Nakangisi siyang naglakad palapit saakin
"Hmm, nothing. Its just that. You caught my attention"
Napangiwi ako ng kumindat siya saakin
Mas matindi pa pala ito kay Saxon!
"Tigil tigilan mo ko! Kapag ako hindi nakapagpigil!"
"well you can kiss me anytime you want. Dont be shy babe"
Argh!
This L'vierdon!
Tumalikod na lamang ako sakanya at saka naglakad palayo
"Wait! Nag uusap pa tayo ehh"
Mabilis kong binawi ang braso kong hinawakan niya
"Kai, un ang pangalan mo diba?"
Tanong ko
Medyo kininlabutan pa ako ng ngumisi siya
"So you remember my name. You like me too. Don't you?"
Woah! Ang kapal!
"Well dont go near me!!" - inis kong sambit at saka humakbang papalayo sakanya
"Im just being friendly. Wala naman atang masama doon" - sagot niya at saka nagsimulang maglakad papalapit saakin
"Stupify!"
Napakurapkurap ako habang nakatingin kay Kai na ngayon ay hindi na gumagalaw
"You okay?"
Lumingon ako sa kanan ko kung nasaan naglalakad papalapit si Ashton na may hawak na wand
"A-ahh o-oo"
"Balita ko ang pagiging babaero niya sa Acheron"
Halata
"Salamat" - sambit ko
Pero ang langyang wizard! Tinitigan lang ako ng blanko at saka tumalikod!
Haixt! Bakit ba problema ko ngayon ang mga abnormal na lalaki?!
Napatigil ako sa pagaalburuto ng makaramdam ako ng pwersa
Lumingon ako sa may tarangkahan ng palasyo na di kalayuan lang saakin
Teka… si Azola at Ullyzeus un ahh?
Bakit narito sila?
----Yael POV----
"Bakit ka pala nagpatawag Kyran? May balita na ba?" - Devon
"Wala pa"
"Then why did you call my attention?"
Tahimik lang akong nakaupo habang pinakikiramdaman ang emerhiyang kanina ko pa nararamdaman
at ang enerhiyng iyon ay mas malapit na ngayon
"He's here" - sambit ko
Bumukas ang pintuan ng silid at saka pumasok sila Azola at Ullyzeus
"Kinagagalak namin na pumunta kayo" - Dion
"Kinagagalak ko rin na muling makapunta dito sa palasyo ng Parua" - Ullyzeus at saka naupo katabi ni Azola
"By looking on us. I can conclude that we are going to discuss about an importang matter" - Devon
Tanging kami lamang nila Devon, Ullyzeus, Azola, Dion na nakatayo lang sa tabi ng upuan ni Kyran ang naririto sa silid
"Pinatawag ko kayo para kumpirmahin kong si Pride nga ba ang dahilan ng pagkagising ni Greed" - Kyran
"Kumpirmahin? Papalabasin ni Zeus si Greed?!" - Azola
"That is the only way"
"No! Hindi ako papayag! delikado para kay Zeus at para rin saatin kapag pinalabas niya si Greed! You know his capability! And you know well about Zeus' power"
Tinitigan lamang siya ni Kyran
At saka nito itinaas ang kanang kamay niya at saka nagsalita si Dion
"Akong bahala sa mga mangyayari"
"Its okay Azola" - Zeus
Medyo kumalma naman si Azola ng hawakmni Zeus ang kamay niya
"Are you ready?" - tanong ni Kyran
"Yes"
"Dion" - tawag ni Kyran kay Dion
Bahagya itong yumuko kay Kyran at pag ayos nito ng tayo ay unti unti siyang pumikit
Napatingin ako sa magkabilang kamay ni Dion na nagkakaroon nagliliwanag na marka at mga simbolo na may mga maliliit na salitang latin paakyat sa kanyang braso, leeg at ng nakarating ito sakanyang mukha ay saka siya biglang dumilat
ang kanyang mga mata ay mas lalong tumingkad ang kulay lila nitong kulay na tila lumiliwanag at kasabay ng pagdilat niya ay mayroon kaming kakaibang enerhiyang naramdaman na kumalat sa buong silid
Napatingin ako sa sahig maging sa itaas ng silid na ngayon ay may mga simbolo at markang nagliliwanag
"Call him now Zeus" - Kyran
Huminga naman ng malalim si Zeus
Bago tinawag ang dyablong nasa katawan niya
"Greed!!"
Di nagtagal ay nakaramdam kami ng malakas na enerhiya
Katulad ng dati, mas malakas nga lang ngayon dahil sa malapit siya saamin
Lumitaw ang isang nilalang sa tabi ni Zeus
He has yellow messy hair and yellow sharp eyes
Isang ngisi ang gumuhit sa kanyang mukha
"You finally call me"
Kuminang ang dilaw nitong mga mata at nagtaasan ang magulo nitong dilaw na buhok
Pero mabilis din iyong bumalik sa dati at saka nawala ang ngisi nito sa labi at nangunot ang noo at saka biglang tumahimik
At saka inilibot ang paningin niya sa amin hanggang sa huminto ito kay Dion na hanggang ngayon ay nasa ganung anyo tulad kanina
"I see. He can negate evil powers ehh?"
"Greed" - lumingon ito kay Zeus
"Why did you call me?"
"May gusto kaming malaman"
"I won't entertain any question"
Bigla kaming nakarinig ng pagbagsak sa may mesa
Pagtingin namin ay isang sako ng mga ginto ang naroon
Napatingin ako kay Kyran
"Is it still a NO?"
Kita ko ang pagkinang ng mata ng dyablo
Psh
He is the demon of avarice
That's why he is also called Avaritia
and gold is one of his thing
"Okay I will. But I need one more thing"
"Say it" - Kyran
Tumingin ito saamin ni Devon
"Palabasin niyo ang mga kauri ko"
Mabilis akong tumayo
"Kaya kitang patayin ngayon" - pagbababala ko
Pero ngumisi lang ito saakin
"You can't kill me. If you do, Zeus will also die"
Tss
Nagkatinginan kami ni Devon at saka siya tumango saakin
"Gluttony!"
"Rage!"
"Sloth!"
Mabilis na lumabas si Rage at Gluttony
"Sloth!!"
Napalingon ako kay Kyran
"Sloth!!!"
Tumingin si Kyran kay Greed
"Natutulog siya"
"That demon! Wala talaga siyang pakinabang!" - Greed
"Mabuti naman at nagising kana kapatid" - Rage
"Salamat sakanya"
Ang tinutukoy niya ba ay si Pride?
"Greed! Pinalabas namin kayo hindi para kayo ang mag-usap usap!" - Zeus
"Wala bang pagkain?" - Gluttony na inililibot ang paningin sa mahabang mesa
"Ano bang kailangan mo saakin?" - Greed
"May itatanong kami" - sagot ko
"Hindi ikaw ang tinatanong ko. Sasagot lamang ako, tanging kay Zeus lamang!"
Fuck this demon!
"Hinay hinay sa pagsasalita, Greed!!!" - Rage na ngayon ay umaapoy na ang buhok
"Wala ba talagang pagkain, my Lord?" - Gluttony na nasa tabi pang ni Devon
"Gusto namin kumpirmahin, kung bakit ka nagising?" - Zeus
Ilang segundo ito natahimik bago sumagot
"Salamin"
Nangunot ang noo namin sa isinagot niya
"Salamin?" - Devon
"Bago siya nagising. Nasa harapan ako noon ng mahabang salamin na nasa aking banyo" - Zeus
"Anong meron sa salamin Greed?" - baling ni Zeus sa dyablo
"Narinig ko ang boses niya. At ng lumapit ako sa unahan ng iyong isipan. Nakita ko siya sa salamin"
"Anong nakita mo?"
"Mas mainam kung ang itatanong mo ay… kung sino ang nakita ko" - nakangisi nitong sagot
"Si Pride ba?"
"Walang iba" - mabilis nitong sagot habang nakangisi
Kung ganun. Buhay nga si Pride
At nagising na rin siya sa katawan ni Luan
Ibig bang sabihin
Buhay talaga si Luan?
"Kung ganun buhay si Luan?"
Lumingon ang dyablo kay Kyran
"Si Zeus lamang ang sasagutin ko"
Wala pang ilang segundo ay may gumapang na mga matitinik na baging sa mesa papunta kay Greed at saka nito pinuluputan ang dyablo na agad na napangiwi
"Anong ginagawa mo sa kanya?!" - Rage
Pero binalewala siya ni Kyran na nakatingin lang kay Greed
At saka nagsimulang maglakad palapit dito
Agad namang kumilos ang dalawa pang dyablo at lulusubin si Kyran
"Tumigil ka Rage!!"
"Gluttony!!"
Natigilan na lamang kami ni Devon ng walang hirap na pinatalsik ni Kyran ang dalawang dyablo gamit lamang ang kanyang mga baging habang naglalakad papalapit kay Greed
"Wala kang galang!" - Gluttony
"You dont know what we can do!!" - Rage
Pareho silang bumwelo pero dahil sa spell ni Dion ay bigo din silang magpalabas ng kapangyarihan
Huminto si Kyran sa harapan ni Greed
"Dont kill him!" - Azola
Tinitigan ni Kyran ang mata ni Greed na nakangisi lamang ngayon
"You can't see it. Demons eyes doesnt have reflection"
"I see" - Kyran at saka inilahad ang kanang kamay at may lumitaw doon na isang mapulang rosas na puno ng tinik
"A-ang rosas na iyan!" - nanlalaking matang sambit ni Greed
Ano bang meron sa rosas ni Kyran?
"Buhay ba si Luan?"
Muli itong ngumisi
"Maaaring oo…
…Pero maaari ring hindi"
"Anong ibig mong sabihin?" - tanong ko
"Ang gusto niyang sabihin ay maaaring buhay o di kaya ay patay na talaga ang hari ng kadiliman! Di mo ba naintindihan iyon?!"
Tinignan ko ng masama si Rage
"Paanong maaring patay na siya? Gayong buhay si Pride?" - Devon
"Kung nagising at nakalabas na ng katawan niya si Pride bago siya namatay. Isa iyon sa maaaring paliwanag doon, my Lord" - Gluttony
"Nagising siya bago pa si Luan mamatay?" - pag-uulit ko
Pero paano naman siya nagising?
Imposible namang ginising siya ni Luan
"May alam akong paraan para malaman niyo kunh buhay pa nga ang hari ng kadiliman o hindi" - nakangising sambit ng dyablong si Greed
Mukhang hindi ko gusto ang mga ngisi ng dyablong ito
"Ano iyon?" - Kyran
"Find Pride"
----Freya POV----
"Freya gusto ko ng isang un!"
Nakangiting kinuha ko ang isang prutas na itinuturo ni Khali at saka isinubo sakanya
"I want more Freya"
Kumuha ako ulit at saka iyon isinubo sakanya
"Ano bang ginagawa ng bubwit na yan dito?"
Nilingon ko si Zane na nakaupo sa harapan namin ni Khali katabi si Kevin
"Ginagawa mong katulong si Frey, Khali" - Kevin
Nakatingin lang ako kila Zane na nagsusubuan rin sa harapan ko
Im happy with them
Noong una pa man talaga ay nakikita ko ng bagay sila
"Why? I didnt do anything" - Khali at saka ngumanga
"Hayaan niyo na si Khali. Matagal na din kaming hindi nakakapagkwentuhan" - sagot ko at saka siya sinubuan
Sabay sabay kaming napatingin nila Zane sa may labas ng tarangkahan sa bayan ng Parua kung saan ay kitang kita mula dito sa balustre
"Ano iyon?" - Zane
"f**k! Miya! Zeyton! Bantayan niyo sila Freya" - Kevin at mabilis na umalis
"Anong nangyayari?" - tanong ko kila Miya
"Mukhang nilusob ang bayan ng Parua Abellon"
----Blair POV----
Nagsitinginan kami sa labas ng bintana nitong kwarto namin ng makita namin ang sunog na nangyayari sa isa sa kabayanan na sakop ng Parua Abellon
"We will go and check what's happening there" - Gavin
"Okay. I will go to Freya" - Ax at saka mabilis na nawala sa harapan namin
"Woohhh! Adventure!!" - Kai
"Umalis na tayo. Ng may matira pa saatin" - Reed
~~
Kahit malayo pa sa bayan kung saan may nangyayaring paglusob ay kita na namin ang sunog mula roon
"Nasaan pala si Xander?" - Matt
"Nauna na siguro. Lam niyo naman naandun na si Kora" - Ali
"Chase!!"
Mabilis na gumawa ng harang si Matt ng may lumipad na mga puno palapit kay Chase na nasa unahan namin
Napatigil kami ng makakita kami ng itim na kalangitang namumuo sa kalangitan at isang ipo ipo
"What the hell is this?" - Reed
"Mga bampira"
Nilingon namin si Jair na ngayon ay namumula ang mga mata
"Mga bampira? Rebeldeng bampira?" - tanong ko
"May kakaiba sa kanila"
Mabilis kong pinatakbo ulit ang kabayo ko hanggang sa makarating kami sa mismong lugar
Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang mga Salvatory maging ang ibang Dragomir
May mga lobo rin na kalaban ang mga lobo na alam kung grupo nila Grey
At mga nilalang na ngayon ko lamang nakita
Saan galing ang mga ito?
Agad namula ang aking mga mata at walang anu't ano ay nilamon ng mga buhangin ang mga bampirang papalapit saakin
Kinuha ni Chase ang plauta niya at saka nag umpisang tumugtog
Kita namin na nagsitigilan ang mga kalabang bampira at saka nilaslas ang kanilang sariling leeg
May nagsilapitan saaming mga naglalakihang anaconda
"I'll take them" - Reed
Agad na namula ang kanyang mga mata at saka lumabas dito ang apoy na siyang nagpaabo sa mga anaconda
"Lets roam the area" - Matt
Agad kaming naghiwahiwalay
Magkasama kami ni Matt na pumunta sa pinakagitna kung nasaan ay may namumuong itim na kalangitan sa itaas
At nakita namin roon sila Kyran habang kaharap ang isang babaeng mayroong maikling kulay puting buhok na abot batok lamang nito at namumula ang kanyang mga matang nakatingin kay Kyran
"Isa ka ba sa mga pyesa niya?" - tanong ni Kyran
"Gusto mong malaman? Pwes tanggapin mo ang kanyang alok"
Ano bang pinag uusapan nila?
Agad na nagpalabas ng mga baging si Kyran ng magpalabas ng isang ipo ipo ang babae papunta sa kanyang pwesto
"Thats enough Thyone"
Napalingon kami ni Matt sa bagong dating na bampirang lalaki
"Tama na ito sa ngayon"
Lumingon ang dalawa kay Kyran na blanko lamang na nakatingin sa dalawa
"Nasaan na ang iba?" - Thyone
"Nauna na sila"
Napalingon ang dalawa ng may mga baging na papalapit sakanila
"Reflectio!"
Agad na nagpalabas ng barrier ai Matt upang harangin ang mga baging na bumalik kay Kyran matapos na sanggain ito ng isang spell
Napalingon saamin ang dalawang bampira maging ang bagong dating na lalaki na may copper blonde na buhok at nakasuot ng kulay itim na cloak at may hawak na wand
Isang warlock
"Kung ganun ay kumampi na pala talaga ang mga L'vierdon sa Parua. How ironic" - ismid nitong sambit
"Umalis na tayo" - sambit naman ng bampirang lalaki
Nanatili na lamang kaming nakatingin nila Kyran sa tatlo na ngayon ay unti unti ng nagiging abo na nililipad na ng hangin
"Hinihintay niya ang iyong sagot, ikapitong Dragomir" - sambit ng bampirang nagngangalang Thyone bago ito tuluyang mawala
Maging ang paligid ay umaliwalas na rin
Tinignan ko si Kyran na ngayon ay seryoso lang at diretsong nakatingin sa dating pwesto ng tatlo
Ano bang ibig sabihin ng bampirang iyon?
Anong sagot?
Sagot saan?
At sinong siya?