Finding The Runaway Prince

3011 Words
----Freya POV---- "Arachnidas" Napalingon ako kay Gavin ng sabihin niya iyon Arachnidas? Ngayon lang ako nakakita ng ganyang kalaking mga tarantula "Mapanganib sila. Malakas ang kanilang lason" Inihanda na namin ang aming mga sarili ng mag umpisa ng gumapang papunta saamin ang mga higanteng tarantula "Iwasan niyo ang kanilang mga kuko!" - Gavin Agad na pumunta sa aking magkabilang gilid sila Zeyton at Miya Habang nasa harapan sila Kyran Nag anyong lobo na rin sila Grey at Rue at agad na sinalubong ang mga tarantula Nagsisuguran na rin sila Kyran Susugod na rin sana ako ng maramdaman ko biglang pagtigil ng oras Napalingon kami kay Axel na nakatayo lang habang nakapamulsa at namumula ang mga mata "Are you going to stand there and watch me here?" Nag si ismidan naman sila Kyran at saka pinagpuputol ang mga ulo ng tarantula Ng maubos na nila ito ay saka naman bumalik ang pagtakbo ng oras kasabay ng pag bagsakan ng mga ulo nito Akala namin ay tapos na ng matanaw namin ang mga maliliit na gagamba at nasa likod ng mga ito ay mga gahiganteng anacoda Katulad sila ng anacodang una kong nakita noon sa mundo ng mga tao. Ang kaibahan lang ay itim na itim ang balat at kulay berde ang mga mata nito "The heck?! Saan galing ang mga nilalang na ito?!" - Rosh Agad akong nagpakawala ng enerhiya na mabilis na gumapang sa lupa na halos sumakop sa aming paligid Lahat ng nadaanan nito ay natunaw pero ang ilan sa kanila ay nakaligtas at patuloy pa rin sa pagdatingan ng mga gagamba, tarantula at mga anaconda mula sa gubat Nagsikilos na rin sila Priam maging ang mga prinsipe ng Acheron Nakakalat na kami habang pinagpapatay ang mga nilalang na ito "Hindi sila namamatay! Dumadami sila lalo!" Napalingon ako kay Saxon na panay sa pagpapalipad ng kanyang mga baraha sa paligid Dumadami nga ang mga malilit na gagamba kapag pinapatay namin sila. Samantalang mahirap naman ng patayin ang mga higanteng tarantula at anaconda Kita ko rin na nanghihina na ang mga kasamahan ko pati na rin ako "Kai!!" - biglang sigaw ni Ali sa direksyon ni Kairon Tumango naman ito kay Ali Agad na namula ang mga mata ni Kai At di nagtagal ay nakaramdam ako ng biglaang pagdaloy ng kakaibang lakas sa aking katawan Parang pakiramdam ko ay lalo akong lumakas "Kai can augment power. It last only for 10 minutes!" - Jair Pagkarinig ko noon ay hindi na ako nag aksaya pa ng oras at agad na nagpakawala ng sunod sunod na bolang asul na apoy na tumutupok sa mga tinatamaan nitong mga anaconda at tarantula Totoo ngang may kakayahang magpalakas ng kapangyarihan si Kai Parang dumoble ang lakas ng aking asul na apoy maging ang mga pinakakawalan na kapangyarihan nila Zeyton Medyo makulimlim ang paligid dahil sa sunod sunod na pagpapakawala ni Priam ng mga kidlat Sila Astrid at Ashton naman ay patuloy sa pagpapalabas ng puting liwanag sa kanilang wand na ang mga natatamaan nitong gagamba ay agad na nagiging abo "Arania Exumai" Rinig kong sigaw ni Ali Nagsitalsikan naman ang mga tarantula maging ang mga maliliit na gagamba sa malayo Napupuluputan na rin ng mag pulang sinulid at baging ng mga rosas na puno ng tinik ang buong katawan ng mga anaconda at tuluyan ng namatay ang mga ito Napalingon ako sa gawi ni Yael na kanina pa nakatayo habang pinagmamasdan lang ang mga halimaw Nakita kong namula ang kanyang mga mata kasabay ng paggalaw ng tatto niya sa kaniyang kaliwang kamay at mabilis na gumapang iyon papunta sa lupa at wala pang ipang minuto ay napatay na nito ang mga natitira pang halimaw Patay na ang mga halimaw at umaliwalas na rin ang paligid "Saan ba galing ang mga nilalang na iyon?!" - Kevin "Ang tanong ay kanino galing ang mga halimaw na un" Tumingin kami sa gawi ni Gavin na nakatingin lang sa mga wala ng buhay na anaconda "Hindi sila normal na mga hayop lang o mga nilalang. Alam kong mayroon silang amo" "Tama siya. Kanina may naramdaman akong dalawang presensya. Presensya ng bampira" - Kyran "Astrid!" Napalingon kami bigla kay Ashton ng sumigaw ito At nakita namin na bumagsak pala sa lupa si Astrid Agad akong tumakbo palapit sakanya "Anong problema?" "May kagat siya" - Ashton na nakatingin sa binti ni Astrid Sinundan ko ang tingin niya at nakita kong mayroon nga siyang kagat sa kanyang kaliwang paa Napatingin ako sa tumabi saakin na si Kyran na bahagya ring nakaluhod Sinipat niya ang paa ni Astrid "Nakagat siya ng maliit na gagamba. Mas mabilis ang lason nito kaysa sa mga higanteng arachnida. Kailangan maalis kaagad ang lason sa katawan niya" - sambit ni Dion na bahagyang nakayuko malapit kay Kyran Pagkasabi niya noon ay agad na pinunit ni Kyran ang laylayan ng kanyang damit at saka itinali ng mahigpit sa paa ni Astrid "A-anong gagawin mo?" Tanong ni Astrid ng biglang namula ang mata ni Kyran kasabay ng paglabasan ng kaniyang pangil "I will suck out the poison out of your blood" - Kyran Yakap naman ni Ashton si Astrid habang nakahawak ito sa kanyang braso habang nakalapat ng tuwid ang kanyang dalawang paa sa lupa Mabilis na yumuko si Kyran at saka kinagat ang parte ng paa ni Astrid na mayroong kagat. Napapikit naman si Astrid at mas lalong humigpit ang hawak niya kay Ashton Rinig na rinig namin ang ginagawang pagsipsip ni Kyran sa dugo ni Astrid at saka iyon iniluluwa at sisipsip na naman hanggang sa nakailang ulit siya bago tumigil "Is she okay now?" - Ashton "Yeah. She's okay now. But she needs to take a rest" - Kyran at saka tumayo "S-salamat" - Astrid at saka siya nawalan ng malay "Maraming nawalang dugo sa kanya kaya natural lang iyan" - Priam "Sa ngayon kailangan muna siguro nating maghanap ng mapapagpahingahan" - Kai Binuhat naman na ni Ashton si Astrid at saka kami umalis sa lugar na iyon Pumasok kami ulit sa isang kagubatan at doon tumigil "Lets have a rest" - Axel Nagkanya kanya naman kaming pwesto Pumunta ako sa isang puno at saka umupo sa ugat niyon "You need this" Kinuha ko ang inabot saakin ni Kevin at saka iyon binuksan at uminom Aksidente namang napatingin ako sa gawi ni Axel na nakatingin rin saakin "I think you need to stay away from him" Nabaling ulit ang aking tingin kay Kevin na ngayon ay nakatingin na kay Axel "Hindi ko alam kung anong ikinababahala ninyo sakanya" "Hindi ko alam ang dahilan nila Saxon. Pero sa pakiramdam ko. He has something na kaming mga lalaki lang ang nakaaalam" "Hey Cass! Ayos ka lang?" Nilingon ko si Zane na naglalakad papalapit saamin habang may hawak ng lalagyan ng tubig Nginitian ko lang naman siya Napalinga ako sa paligid ng makarinig ako ng isang magandang musika "Saan galing un?" - tanong ko Tumayo ako at saka ko sinundan ang musikang pumapailanlang sa buong paligid Nakasunod naman saakin sila Zane at Kevin Habang naglalakad ako ay palakas ng palakas naman iyon Hanggang sa natanaw ko sa isang mataas na puno si Chase na nakaupo sa isa sa mga malaking sanga nito habang may hawak na Flute Napatitig ako sakanya na nakapikit pa habang nag papatunog ng kanyang plauta Kita naman sa mga dahon ng mga puno ang pagsayaw sayaw nito sa hangin Maging ang hangin ay nadadala rin sa musikang kanyang tinutugtog "He has power on music" Napalingon kami sa aming likuran "Mahilig siyang mapag isa. Parati lang siyang tumutugtog. Lalo na pag may gusto siyang iparating. But his music can be deadly if he wish" - Kai "deadly? Sa ganda ng kanyang pinapatugtog paano ito nakamamatay?" - Zane "His music can hypnotize and can make you knock out to sleep. But it can also be a lifetime illusion to those who can hear it if he wanted it to be that deadly" Bigla namang tumigil sa pagtugtog ng musika si Chase at saka tumingin saamin bago tumalon pababa kasabay ng mga ibon na nagsiliparan papunta sa gawi namin Agad naman kaming yumuko at saka sinundan ang mga ibon na tanaw ko na tumigil sa pwesto ni Gavin Nasa harapan niya lamang ito habang kampay ng kampay "Tara na" - Kai habang naglalakad kami palapit ay nangunot ang noo ko ng mapansin na titig na titig lang si Gavin sa mga ibon habang namumula ang kanyang mga mata. At tila kinakausap ang mga iyon gamit ang kanyang isip Nakatingin lang din naman sakanya sila Kyran. At nakita ko rin na may malay na si Astrid "Anong ginagawa niya?" - Kevin "Gav can manipulate and can communicate with the animals" - Chase "Cool!"- Zane "Haha yeah we're cool! We're the sons of a nymp thats why we have these power" - Kai "Tss. Lahat naman kay Zane cool" - Kevin na sinamaan lang naman ng tingin ni Zane Ng makalapit kami ay iyon naman ang pag sialisan ng mga ibon Lumapit naman sakanya si Axel "Lets go. Alam ko na kung nasaan siya" - Sambit ni Gavin kay Axel agad namang tumayo sila Yael "Magpatuloy na tayo. Ng matapos na ito" - Yael sabay talikod saamin I know how he wanted to see Tamara. Kahit naman ako ay gustong gusto ko ng malaman kung nasaan si Luan. At kung nasa maayos lang ba siyang kalagayan At sana naman ay maayos lang talaga ang kalagayan niya ngayon. Pati na rin si Tamara ----Rosh POV---- Tahimik lang kaming naglalakad. Maliban kay Saxon "Kapag nakita ko talaga iyang mga kabayo nating nagsitakbuhan kanina at iniwan tayo pag chochopchopin ko ang katawan nila gamit ang aking mga baraha!!" Kanina pa iyan paulit ulit sa pagrereklamo kasi nga kanina pa kami naglalakad at wala kaming masakyan dahil nga wala na kami mga kabayo "Pwede bang tumahimik ka na lang? Kanina ka pa sa kadadakdak. Para kang hindi lalaki" Muntik na akong matawa sa sinabi ng isa sa mga prinsipe ng Acheron. Si Jair Natumbok niya! Pansin ko na buhira lang siyang magsalita. Lalo na ang huling prinsipe ng Acheron "Anong sabi mo?! Sinasabi mo bang para akong babae?!" Nakatingin lang naman sa kanya si Jair habang naglalakad "Sa gwapo kong ito?! Ako ata ang pinakamakisig na prinsipe sa buong dark Empire. Lahat nga atang naging babae mo eh naging babae ko na bago mo pa nakilala ehh!" - Saxon bigla namang tumawa si Kai "Anong nakakatawa?!" - Saxon "Kaming magkakapatid, lahat ng babaeng natitipuhan namin ay mga birhen at di pa nahahawakan ng kahit na sinong lalaking bampira. At lahat ng natipuhan naming mga babae ay wala ng nagtatangkang lumapit o hawakan sila ng mga bampira kapag nalaman nilang isa sila sa mga babae namin" - Kai Kung ganun mga babaero din pala ang magkakapatid na L'vierdon Kung sabagay. Natural iyon sa aming mga bampira And I admit kaming mga Dragomir ay marami na ring naging babae Ang kaibahan lang ay kaming mga Dragomir ay isang beses lang kung magmahal. At ang mga babaeng naging babae namin ay sila lang naman kasi mismo ang lumalapit saamin. At bilang lalaki ay may kailangan rin kami Well about Luan? Ng mauhaw na siya sa dugo noon ni Freya. Lahat ng babaeng nilalapitan niya ay talagang dugo lang ang kinukuha niya. Hmm pati pala buhay nila "Mga babaero din pala ang mga prinsipe ng Acheron" - Freya at saka lumingon sa gawi ng bampirang kayang manipulahin ang oras "Wag mong lahatin Kairon Dior!" - Axel Tumaas naman ang isang kilay ni Freya "Haha chill bro! Wala yang babae si Ax, Freya" - ngising sambit nito habang nakatingin kay Freya Bigla namang namula ang pisngi ni Freya at saka umiwas nag tingin "Walang pakialam doon si Freya" - Kyran na masamang nakatingin kay Kai "Haha okay okay" Bigla akong tumigil sa paglalakad at inaamoy amoy ang paligid ramdam ko rin ang pagpula ng aking mga mata Bumilis rin ang t***k ng aking puso at may kakaiba akong nararamdaman sa aking kaloob looban Isang napakabangong amoy ang pumupuno sa aking ilong na alam kong hindi galing kay Freya dahil sa potion na pinainom sakanya ni Astrid Kumakalat sa hangin ang mabangong amoy, amoy ng vanilla at strawberry At alam kong ako lang ang nakaaamoy niyon Tumigil rin sa paglalakad sila Grey at Rue na nasa unahan nila Priam "May problema na naman ba?" - Astrid "Rogue" - Grey "Nakakaamoy kami ng Rogue. At ramdam ko na may pack malapit dito" - Rue Rogue.. mga rebeldeng lobo "We need to find them" - agad na nagpatuloy sa paglalakad si Grey na sinundan naman namin At habang naglalakad kami ay lalo kong naaamoy ang mabangong amoy na iyon Hinawi ni Grey ang matataas na d**o na nasa aming daan at doon ay nakita namin ang limang lobo na nakapalibot Inaninag ko ang pinalilibutan nila at nakita kong isang puting lobo iyon Lalong pumula ang aking mga mata Agad na nag anyong lobo sila Grey at dinamba ang mga rogue At sa hindi ko alam na dahilan ay tumakbo na rin ako papunta roon at pinag babali ang ulo ng dalawang rogue ng makitang dadambahin na nila ang wala ng malay na puting lobo Pati sila Freya ay tumulong na rin dahil may mga nagsidatingan pang ibang mga rogue Nilingon ko ang puting lobo at agad kong kinalas ang tali ng cloak ko at inalis iyon saakin at mabilis na itinakip sa puting lobo ng makitang nag aanyong tao na ito Pinagmasdan ko ang kanyang maamong mukha na mayroong mga pasa Mabibigat rin ang kanyang paghinga Hinawi ko ang tela na nakatakip sa kanyang braso at kamay at nakakita rin ako doon ng mga malalalim na sugat Lalong pumula ang aking mga mata at ramdam ko ang paghaba ng aking mga pangil At sa mga oras na ito ay parang gusto kong makapatay! Natigil lamang ako sa pagtingin sakanyang mga pasa at sugat ng may tumulak saakin palayo sakanya "Don't touch her!" - And he growl at me Ano bang problema niya Hinaplos niya ang pisngi nito na nakapagpa-init ng dugo ko "Bliss" - sambit niya habang nag aalalang nakatingin sa babae Bliss? Iyon ba ang pangalan niya? "Kilala mo siya Grey?" - tanong ni Freya Tumango tango naman si Grey "Siya ang matagal ko ng nawawalang nakababatang kapatid" Kapatid niya ang babaeng ito? "Kailangan niya ng magamot. Malubha ang kalagayan niya" Bigla akong nataranta ng marinig iyon kay Rue "Kaya ko siyang pagalingin" - Freya "No Freya" - Priam "At bakit hindi?! Mamamatay ang kapatid ko kapag hindi siya nagamot kaagad!" - Grey "Dugo ang kailangan niya upang mapagaling siya ni Freya. At kapag ginawa iyon ni Freya maaaring maamoy siya ng mga kalaban" - Zeyton "Pero nanganganib ang buhay niya Priam" - sambit ko "Mapanganib para kay Freya, Rosh" "Hayaab niyo akong pagalingin siya. Hindi ko maaatim na mamatay siya ng dahil lang sa dahilan na iyan Priam" - Freya Sabay sabay kaming napatingin sa kapatid ni Grey ng marinig namin ang pagdaing nito "Priam!" - sigaw ko kay Priam Nakita ko ang pagtaas niya ng isang kilay saakin Ngayon ko lang siya nasigawan Tumingin siya kay Freya at saka tumango Agad na lumuhod si Freya sa tabi ng kapatid ni Grey "Lahat kayong mga lalaki tumalikod!" - Freya Tumayo naman kami ni Grey at saka tumalikod sa kanila at lumayo ng kaunti Lumapit naman sila Miya, Astrid at Zane sa kanya Hindi ko maiwasang hindi kabahan at paulit ulit na sumasagi sa isip ko ang kanyang mga pasa at sugat Malaman ko lang talaga kung sino ang may gawa niyon sakanya "Mabagal ang paghilom ng kanyang mga sugat. May wolfsbane ata ang ginamit na patalim sakanya" - rinig kong sabi ni Miya Humarap naman sakanila si Grey maging ako ay humarap sakanila "Kailangan nating magmadali. Hindi makabubuti kung matagal ang paggaling ng mga sugat niya" - Rue "s**t!!" - marahas na sinabunutan ni Grey ang sarili niyang buhok Hindi na rin ako mapakali sa aking kinatatayuan Napapansin ko rin ang mga titig saakin nila Priam at Kyran Siguro ay nagtataka sila sa kilos ko. Pero wala akong pakialam! Ang gusto ko ngayon ay ang gumaling na siya "Hindi ba't kayong mga lobo ay kailangan ninyo ang mga mate niyo?" Sabay kaming napalingon nila Grey at Rue kay Gavin "I think she needs her mate" - dagdag niya "Did she already met her mate?" - Chase "I didn't know!! Ilang taon ko na siyang hinahanap. Ilang taon na siyang wala sa puder namin ni ama. Hindi ko alam!" - tarantang sagot ni Grey "Ano bang dapat gawin ng mate niya kung sakali?" Takang tumingin sila saakin Samantalang nakatitig lang saakin sila Kyran at Priam "She needs his touch. Malaki ang epekto ng mate namin saamin" - Rue "Nanginginig na siya!" - sigaw ni Freya Agad akong lumapit sakanya at mabilis na niyakap siya Narinig ko naman ang pagsinghap nila Zane sa ginawa ko "What are you doing?!" - Grey Naramdaman ko ang paghawak saakin ni Grey sa aking balikat at hihilain niya sana ako palayo ng pigilan siya ni Priam "Kung gusto mong gumaling ang kapatid mo. Hayaan mo ang kapatid ko" - Priam Mas hinigpitan ko ang pagyakap sakanya habang tahimik lang silang nakatingin saamin Ramdam na ramdam ko ang mabilis na t***k ng puso niya kasabay ng pagtibok ng puso ko hanggang sa maramdaman kong naging kalmado na iyon Bahagya kong inilayo ang katawan ko sakanya at tinignan ang kanyang mga braso na ngayon ay wala ng sugat o bakas man lang ng pasa maging sa kanyang mukha "Hindi na talaga magiging magkaaway ang lahi ng mga lobo at bampira" - Kevin "Hindi ko akalaing isang bampira ang mate ng kapatid ko" - Grey Mate. Iyon nga ata. Naalala ko ang itinanong noon saakin ni Eliza ng sabihin niyang nakikita niyang may mate ako Ang tanong na kung matatanggap ko ba siya kung sino at ano siya Siguro ay nakita ni Eliza na isa siyang lobo At ngayon hindi magbabago ang sagot ko sakanya I will accept her. Whoever she is. I will love her. Whatever she is. I will
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD