NAIPON na ang mensahe ni Amanda sa messenger ni Baldwin. Bihira naman siya nagbubukas ng f*******:. Wala na rin siyang tiwalang gamitin ang sim card ni Blandon matapos masagot ni Agatha ang tawag ng unregistered number. Baka ika niya’y ginagamit lang ng kalaban ang numero na iyon bilang contact tracing. Inalis na niya ito sa kaniyang cellphone at iniwan lang ang sim card niya. Alas-siyete ng umaga na siyang nagising. Wala na sa kaniyang tabi si Agatha. Humilab ang sikmura niya. Mamaya ay may kumatok sa pinto. Tinatamad pa siyang bumangon. Bumukas naman ang pinto pero hindi niya masilip kung sino ang pumasok dahil hindi makikita roon ang sala ng kuwarto kahit nakabukas ang pinto. Ang couch lang ang nakikita niya. Napasinghot siya nang makasamyo siya ng nakagugutom na amoy ng pagkain. Napa

