JOSHUA BENITEZ Palabas na kami ng trial court, pero hanggang ngayon parang hindi pa rin nagsi-sink in sa’kin ang lahat. Tapos na. Sa wakas… tapos na. Huminga ako nang malalim habang naglalakad. Parang ngayon ko lang ulit naramdaman yung gaan ng pakiramdam ko. Yung wala nang nakatali sa’kin, wala nang pumipigil para maging masaya ako ng tuluyan. “Congrats, Gov, sa wakas binata ka na ulit,” nakangiting sabi ni Dan habang tinatapik ang balikat ko. Napangiti ako. “Oo nga… ang tagal kong hinintay ‘to. Ang tagal kong ipinaglaban ang kalayaan ko.” Napatingin ako sa hawak kong mga papeles. Hindi pa ito ang final certificate, pero sapat na para patunayan na granted na ang annulment. Malaya na ako, malaya na ako sa taong nagpahirap sa akin ng ilang taon. “Ngayon…” sabi ko habang naglalakad

