LIEZEL DELA CRUZ "Zel, sumama ka na, nakakahiya kaya kay Gov. Siya na nga itong nag iinvite sa atin. Feel ko si Gov may gusto sayo." Parang kinikilig na sabi ni Yham sa akin. "Kaya nga, feeling ko rin. Naku kung sa akin lang siya may gusto, willing akong mahalin siya kahit pa maging kabit ako." Sagot din agad ni Aira. "Magtigil kayong dalawa, nakakahiya talaga kayo. Saka may boyfriend ka na Aira kaya ikalma mo yang kipay mo, kung ayaw mo isumbong kita kay Fredo." Saway ko kay Aira. "Ah basta, sumama kana kasi sa amin para hindi ka na namin asarin. Alam mo gutom na kami at ikaw rin kanina ka pa nagsasabing gutom kana. Minsan lang dumating ang ganitong pagkakataon kaya pumayag ka na." pamimilit sa akin ng dalawa kong kaibigan. "Nakakahiya talaga kayong dalawa, pero gutom din talaga ako

