JOSHUA BENITEZ Hindi ko alam kung ilang linggo, buwan o taon na akong nababalot ng dilim. Isang napakaitim na mundo ang bumabalot sa akin, walang liwanag, walang direksyon, at walang katiyakan kung kailan ako makakaahon dito. Sa loob ng kadilimang iyon, puro panaghoy at mahihinang bulong ng isang babae ang palagi kong naririnig. Tinatawag niya ang pangalan ko. "Joshua…" Mahina… nanginginig… puno ng lungkot. Pero kahit anong pilit kong dumilat, kahit anong pilit kong igalaw ang katawan ko, hindi ko magawa. Para akong nakakulong sa isang malalim na balon na walang hagdan. Pilit akong umaakyat, pilit akong kumakapit sa kung anong mahawakan ko, pero paulit-ulit akong nadudulas pabalik sa kailaliman. Nakakapagod. Nakakasakal. Minsan gusto ko ng bumitaw, parang mas madali ang bumitaw ke

