LIEZEL DELA CRUZ Nagulat ako, paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Gov, na kausap si Papa at Mama sa maliit naming sala. Babalik pa sana ako sa silid ko ng bigla akong tawagin ni Mama. “Liezel, anak, nandyan ka na pala. Nandito ang kuya Dan mo at si Gov, meron silang dala para sa papa mo.” Sabi sa akin ni Nanay. “Ikaw na ang humarap dito sa kanila at ipapasok ko na ang papa mo sa silid namin para makapag pahinga.” Muli niyang sabi. Napa kunot na lang ako ng noo ko, ano bang gusto ni Gov at talagang nagpunta pa siya dito? Ano bang gusto niyang patunayan? Kahit ayaw kong harapin sila ay wala akong nagawa. Lumapit ako sa kanila st magalang na bumati habang nakatapis pa ako ng tuwalya sa katawan ko. “Magandang gabi po, Gov.” bati ko sa kanila. “Liezel, bigyan mo ng maiinom sila gov

