CHAPTER 102-2

1161 Words

“Honest lang, masama bang purihin kita.” kibit-balikat niyang sagot. “Ang aga-aga, bolero ka na agad. Ilang percent ba ang naalog sa utak mo at naging bolero ka na. Hindi ka naman dating ganyan.” sabi ko sa kanya. “Hindi ‘yan bola kung totoo. Buti naman at naalala mo pa yung past natin. At least alam kong hindi ako nawala sa isip mo, kahit itinanggi mo ako noong nagkita tayo sa hotel. ” Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko kaya ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa menu. Pero sa loob-loob ko… parang ang bilis ng t***k ng puso ko. Pagkatapos naming umorder, ay inabala ko ang sarili ko sa pagtingin sa labas ng restaurant. “Liezel,” tawag niya. “Bakit?” tanong ko, hindi pa rin tumitingin. “Pwede ba kitang ligawan?” bigla akong napalunok. Para akong napako sa kinauupuan ko. Da

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD