LIEZEL DELA CRUZ Sabado ngayon maaga akong bumangon sa kama para mag linis at maglaba ng mga damit ko. Mamayang hapon pa ang pasok ko sa University, kailanga n mo ng maghabol dahil next month ay mag o-OJT na ako. Ayaw ko sanang isipin si Gov pero hindi ko maiwasan na mag isip, halos dalawang lingo na siyang hindi nagpapakita sa akin. Ni tawag wala, nag aalala tuloy ako sa kanya. Lagi ko naman tinatawagan si Kuya Dan para kamustahin siya, ayos lang naman daw si Gov. Masyado lang busy kaya hindi siya nakakatawag sa akin. Siguro hindi lang ako sanay na hindi niya ako pinupuntahan o tinatawagan man lang. Namimiss ko na siya pero wala naman akong magawa, alam ko naman ang posisyon ko; isa lang akong kabit na bawal mag demand. Pag gising ko sa umaga ay magkakape lang ako tapos maliligo at ma

