" Liezel, I'm waiting for your call. " sabi niya. Tuluyan ko na siyang iniwan at lumabas na ng office ng aming Chief Nurse. Napahinto ako saglit paglabas ko ng opisina. Para bang biglang bumigat ang mga paa ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, kung sa station ba namin o diretso sa locker room. Huminga ako nang malalim. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Ayaw kong makita ako ng mga kasamahan ko ng ganito. Pero kahit anong gawin ko, hindi kumakalma ang dibdib ko. Parang may nakadagan. Parang may sumigaw para mailabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. "Liezel?" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ng isa kong kasamahan. "Naka-duty ka pa, okay ka lang?" tanong niya, halatang napansin ang pamumugto ng mga mata ko. Mabilis akong umiwas ng tingin. "Oo… okay lang. May p

