JOSHUA BENITEZ “Gov, ibig mong sabihin wala kang amnesia?” gulat na tanong sa akin ni Dan. Si Dan ang isa sa mga taong lubos kong pinagkakatiwalaan, kaya wala akong dahilan para maglihim sa kanya. “Wala,” mahinahon kong sagot. “Natatandaan ko si Liezel. Alam kong masakit para sa kanya ang isipin na hindi ko siya maalala… at nasasaktan din ako dahil doon. Pero may dahilan kung bakit kailangan kong gawin ito.” Sandali akong tumigil bago muling nagsalita. “Ayaw kong malagay sa alanganin ang buhay niya. At ayaw kong ipahiya siya ng pamilya ko kapag nalaman nilang may relasyon kaming dalawa.” Matagal na natahimik si Dan matapos kong sabihin iyon. Para bang pinoproseso niya ang lahat ng narinig niya. “Gov…” mahina niyang sabi, “alam mo ba kung gaano kahirap ang pinagdaanan ni Liezel haban

