JOSHUA BENITEZ Nagiging sakit ng ulo ko na si Carla, mukhang sa kanya ako magkaka problema. Sa inis ko sa kanya, maaga akong umalis sa bahay at pumasok dito sa aking opisina. Kapag sabado at wala akong pasok sa kapitolyo ay dito ako nagtatrabaho sa aking opisina sa Makati. Malapit lang dito ang ospital kung saan naroon ang Papa ni Liezel pero hindi ko naman siya pwedeng puntahan. Nandito nga ako sa aking opisina pero ang isip ko naman ay okupado lang ni Liezel. Hindi na ako nakatiis kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa, nakatingin lang ako dito. Pinag-iisipan ko pa kung tatawagan ko ba siya, kahapon ko lang siya nakita pero parang isang buwan na kaming hindi nagkikita sa sobrang pananabik ko sa kanya. Una kong tinawagan si Dan, gusto ko lang malaman kung kamusta na si Liezel. Dini

