JOSHUA BENITEZ Tahimik ang buong kwarto. Habang mahimbing na natutulog si Liezel sa kanyang kama. Si Josh naman ay tahimik na nakahiga sa couch, ang isang braso ay nakapatong sa noo habang nakatingin sa kisame. Pero mmaya't maya ay napapalingon din siya kay Liezel. Pinagmamasdan niya ang dalaga. Parang hindi siya nagsasawang titigan ang babaeng minsan niyang minahal… at hanggang ngayon ay minamahal pa rin niya. “May chance pa kaya…?” bulong niya sa sarili. May chance pa kayang mapatawad mo pa ako." tanging tanong ni Josh sa kanyang sarili. Naalala ni niya ang mga sinabi ni Liezel ang mga hinanakit nito sa kanya, ang galit, at ang malamig nitong pakikitungo. Lalo na noong inamin niyang hindi totoo na nagka amnesia niya noon. Wala siyang nakita sa mga mata nito kundi galit, dahil s

