LIEZEL DELA CRUZ Nangiginig ang mga tuhod ko habang papasok kami ng ospital, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko magkahalong kaba at takot na parang gusto ko na lang maihi sa panty ko. "Relax, Liezel, huwag mong ipahalata na kinakabahan ka, baka hindi pa nila tayo paniwalaan.! Sabi sa akin ni Michael. Pagtapat namin sa pinto ng room ni Josh ay nakakabingi na ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang gusto ng lumabas ng puso ko sa kaba. Pinihit na ni Michael ang pinto at bumungad sa akin ang isang may edad ng baba pero kita pa rin sa kanya ang pagiging sopistikada ganun din ang katabi nitong lalaki na bagamat maputi na ang buhok ay halata pa rin itong matikas at gwapo. “Mamita, I’d like you to meet my girlfriend, Liezel. Liezel, this is my Mamita and Lolo Dad—Uncle Josh’s pare

