Amara POV Naging mahira para sa amin ni Traviz ang mga pangyayari lalo na ang oagkawala ng isa sa mga baby namin. Unti unti naming nalampasan ang pagsubok sa iyon sa aming buhay sa tulong na rin ng pamilya at mga kaibigan namin. Nahuli na rin si Shiela ilang araw matapos ang insidente na dahilan ng pagkawala ng isa sa kambal. Tuluyan ng nawalan ng lisensya si Shiela sa pagiging Doktor dahil na rin ilang mga insidente ng kapabayaan niya sa ilang mga pasyente. May roon na palang mga naunang reklamo ang naging pasyente niya mula ng umalis siya sa Cole Medical Center. At lalong bumigat ang kaso laban sa kanya dahil sa isinampang mga kaso ni Traviz. Ngayon nga ay magdadalawang buwan na kami dito sa ospital dahil ilang beses akong nag spotting kaya di ako pinayagan ni Traviz na sa bahay nala

