Jea Raine Serrano’s POV “Babe, I’m sorry na-late ako.” Humahangos pa na sabi ko nang maka-akyat dito sa rooftop ng lihim na tagpuan namin ni Rafael dito sa university na pinapasukan namin. Uwian na kasi at nag-usap kami na mag-stay dito kahit mga thirty minutes lang, bago tuluyan na umuwi. Bukas kasi ay walang klase at siguradong mami-miss namin ang isa’t isa. Last week ay nakapag-date pa kami ni Rafael at ang paalam ko kay Daddy ay magkikita kami ng mga kaibigan ko para sa thesis. Kapag nagpaalam pa ako bukas ay baka makahalata na ito na may boyfriend na ako. At sigurado na hindi makakapayag si Daddy kapag nalaman nito na hindi mayaman ang boyfriend ko. “It’s okay, ang importante ay dumating ka. Kahit ilang minuto lang tayong magkasama ngayon ay makukumpleto na ang linggo ko.” sinalub

