Jea Raine Serrano’s POV “Babe!” Saway ko kay Rafael. Pero ang mata ko ay nakatingin kay Steven na hindi man lang nag-react sa galit na tanong ng asawa ko. Hindi talaga ito takot dito. At mas natutuwa pa yata itong makita na nanggagalaiti sa galit si Rafael. Ayoko na ng gulo. Kung pwede naman na daanin sa maayos na usapan ay gagawin ko. Ito kasing asawa ko ay masyadong mainit ang ulo. Ayoko na mauwi na naman sa suntukan ang dalawa at baka hindi namin magawang umawat ni Daddy Ricardo. “D-dad, can you leave us alone, please.” Nahihiya man ako na paalisin si daddy, pero kailangan ko. Gusto ko nga rin na kaming dalawa lang ni Steven ang mag-usap dahil baka mauwi lang sa away kung isasama si Rafael. Pero alam ko naman na hindi papayag itong asawa ko. “Staring at my wife is bad, Mr Alfonso!”

