Jea Raine Serrano’s POV Pinikit ko ang mata ko at ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang mainit na labi ni Rafael sa labi ko at kasabay no’n ay napakapit nang mahigpit ang mga kamay ko sa bedsheet. Nawala tuloy sandali sa isip ko ang sakit ng ulo ko dahil sa masuyong halik ni Rafael. Dampi lang na halik iyon pero nawala na sa wisyo ang sistema ko. Ilang sandali pa ay ang basang labi ko dahil sa ininom na tubig ay napalitan ng laway ni Rafael. Uhaw n'yang pinagsalit salit ang pagsipsip sa ibaba at itaas kong labi. Nararamdaman ko ang gigil n'ya sa akin. Ako naman ay hanggang ngayon ay hindi makapaniwala na hinahalikan ng asawa ko. Si Rafael mismo ang unang nagpagpakita na gusto akong halikan. Samantala nang huling hinalikan n'ya ako ay tanda ko pa ang sinabi n'yang nandidiri siya sa

