Jea Raine Serrano’s POV “Pregnant? Nakabuntis ang asawa ko?” Parang biglang gumuho ang mundo ko sa narinig mula kay Monique. Doble ang sakit dahil diring-diri ito sa akin si Rafael, tapos makakabuntis ng ibang babae. Napahalukipkip ang isa kong kamay sa shoulder bag na nakasukbit sa balikat ko. Parang doon ako kumuha ng lakas para hindi tuluyan na mahimatay. “So?” Sarcastic na tanong ni Rafael sa babaeng tuluyan ng umiyak. Hilam na ang mata nito ng luha. Nagulat na lang ako nang biglang hinawakan ni Rafael ang kamay ko at hinila ako papunta sa may pinto papasok sa loob ng office nito. Dahil sa labis na gulat at panginginig ng tuhod dahil sa narinig ay nagpatianod na lang ako. Parang ayaw mag-sink in sa utak ko ang pangyayari. “Raffy, please. Kausapin mo ako!” Huminto si Rafael at ni

