VIN'S P.O.V
nakaupo lang ako sa swivel chair at nakatalikod sa office table ko dahil nagaantay lang ako ng mga papeles na dapat pirmahan ngayon araw. 11:43 palang ng umaga at mamaya pa ang lunch ko. inutusan ko kase ang secretary ko na kunin ang lahat ng papeles na dapat pirmahan at ang schedule ko ngayon araw.
11:30 na ako nakapasok dahil sa hangover. Lasing na lasing kase ako kagabi dahil sunday kahapon at walang pasok kaya tumambay nalang ako magdamag sa bar ni ryo ang kasama lang namin uminom ay sila grey, frida, evie, sky, quinn, ryo, at si devyn. Marami kaming magkakaibigan kaya minsan lang kami magkasama although kumpleto kami tuwing may selebrasyong nagaganap.
Habang nagmumuni muni ay may biglang kumatok sa pinto bago iyon buksan kaya hinarap ko sa gawing iyon ang swivel chair ko at pumasok mula roon ang sekretarya ko na nay bitbit na sandamakmak na papel kaya napabusangot ako.
"Boss, here are the papers you have to sign today. As of now, you don't have an appointment with any of your business partners but you have meetings to go to"mahaba nitong paliwanag.
"Good"maikli kong sagot bago nagsimulang magbasa ng mga papeles na nilapag nya sa table ko.
"Ahm boss someone sent an invitation"saad nya bago iabot sakin.
"thank you please put that on the side of the table"ani ko dahil busy ako sa pagbabasa ng mga papeles.
Habang nagbabasa ako ng mga record sa kumpanya ko ay biglang nagvibrate ang selpon ko agaran ko naman iyong kinuha at tawag iyon mula sa bayawak kong kaibigan na si raven.
"Oh napatawag ka?"takang tanong ko habang naktitig sa loptop ko.
"Nakuha mo ba yung invitation galing kila mr. at mrs. Lennox?"tanong nito.
"Ahm oo pero diko pa tinitignan busy ako ehh bakit?"ani ko.
"Basahin mo yun tapos pumunta kana sa shop ni zenia"maikli nitong sagot pagkatapos ay binaba ang tawag kaya napabusangot ako.
"Bastos yun ah babaan ba naman ako ng tawag bwiset"bulong ko bago kinuha ang invitation sa table na nilapag ng secretary ko kanina.
Kulay puti iyon na may mga silver na glitters at maganda ang sulat. Mukang may magaganap na kasal nakalagay kasi doon na ang panganay na anak nila mr. at mrs. Lennox eh ikakasal kay devyn.
"Wait! What? Kay devyn ikakasal toh?"napatayo ako ng makita ang pangalan ng kaibigan ko doon.
"Di manlang ako sinabihan na ikakasal na pala ang lintek na toh!"inis kong saad.
Kinuha ko ang selpon ko bago lumabas ng office nakita ko pang busy sa pagtatype ang secretary ko kaya pinuntahan ko muna sya bago lumabas.
"cancel all my meetings I'm just going somewhere"saad ko bago tuluyang lumabas.
Nang marating ko ang parking lot ay sumakay na ako sa kotse ko at dumeretso sa shop ni zenia. Maya maya ay nakarating na ako roon at nakita kong nakaparada rin doon ang mga kotse ng mga kaibigan ko. Mukhang kumpleto silang lahat kasi halos diko na mabilang kung ilang koste yun eh.
Papasok palang ako eh naririnig kona ang ingay nilang lahat. Sarado rin ang shop ni zenia dahil nandito kaming lahat ng saktong pagpasok ko ay natahimik sila kaya dumeretso ako sa tabi ni clover at tinignan sila isa isa at tama nga ang hinala kong kumpleto kami.
"Bat late ka kanina kapa namin inaantay ang kupad kupad mo naman!"iritadong saad ni roxy.
"Aba! Malay ko bang may meeting ngayon wala namang nagsasabi sakin ehh!"inis kong ani at pinagkrus ang kamay sa ilalim ng dibdib ko.
"Tss kung hindi ka pa tinawagan ni raven dika rin pupunta"ani naman ni riley.
"Tigilan nyo nayan baka nakakalimutan nyo kung bakit tayo nandito?"sabat ni hensley.
"Oo nga pala ano yung natanggap kong invitation card? Ikaw ba talaga yung ikakasal? Bakit di moko ininform?"sunod sunod kong tanong ng makita ko sa gilid si devyn.
"Biglaan lang din kase yun"nakanguso nyang ani.
"Kailan daw yun?"tanong ni clover.
"Next week na kaya nga dito ko napiling kausapin kayo eh para masukatan narin kayo ni zenia sya kasi ang kukunin kong designer ng mga susuotin natin sa kasal ko"mahaba nyang paliwanag.
Napabuntong hininga nalang ako dahil sa balita nya nagusap pa kami ng kung ano ano hanggang sa sukatan na kami ni zenia isa isa habang ako ay nakasimangot dahil ayoko magsuot ng dress kaso wala naman akong magagawa dahil kasal iyon ng kaibigan namin.
"Bat ganyang mukha mo para kang inagawan ng chix"natatawang ani ni roxy kaya sinamaan ko sya ng tingin na mas ikinatawa nya lalo.
"Manahimik ka nga!"ani ko rito.
"Kailangan ba talaga magsuot kami ng dress?"singit ni clover na nakabusangot din habang nakatingin kay zenia na busy sa pagsusukat saakin.
"Oo dahil kasal ang pupuntahan mo at hindi meeting sa trabaho"sagot naman ni zenia.
Dahil don ay mas napabusangot kami ni clover lima lang naman kaming lesbian sa grupo eh ako, si clover, avery, ryo, tsaka si raven yung tatlo boyish kumilos yung iba straight na babae. Matapos akong sukatan ay sinunod na si clover tutal sya na ang last na susukatan. Lumabas muna ako ng office ni zenia dahil doon sya nagsusukat. Nakita kong lumabas si raven kaya sinundan ko sya.
"Mukhang may problema ka rin ah"tanong ko rito ng masundan ko sya sa labas ng shop ni zenia.
"Hmm"sagot lang nito tsaka naglabas ng yosi kumuha sya ng dalawa at inabot sakin ang isa na tinanggap ko naman.
Nagyoyosi lang kaming dalawa at halatang ayaw nyang sabihin ang kung ano mang problema nya kilala ko sya magsasabi sya kapag kailangan nya ng tulong pero kapag kaya naman nya ay hindi na sya nagaabala pang sabihin samin.
"Nalilito ako"pambabasag nya ng katahimikan
"San ka naman nalilito?"takang tanong ko.
"Wala"biglang bawi nito tsaka napayuko.
"Kung kailangan mo ng kausap nandito lang naman ako"mahinahon kong ani tumango lang sya kaya tinapos kona ang pagyoyosi bago iyon tinapon.
Pumasok ulet ako sa loob pero biglang nagvibrate ang selpon ko kaya tinignan ko yun at text iyon galing sa jejemon kong uncle.
From: uncle gurang
V!n uMuw! k@ M@M@y@nG G@b! n@nd!To @nG d@d Mo $@ b@h@¥ h!n@h@n@p k@ !nG@T k@ P@uW! L@Byu♥( ˘ ³˘)♥
"Tangina ang jeje naman nito bala sya dyan"inis kong bulong dahil hindi ko maintindihan yung text nya.
Habang pabalik sa office ni zenia ay may narinig akong bulungan kaya pumunta ako sa gilid ng office ni zenia at doon ay nakita ko sila zay, charlie, at gin na naguusap usap kaya nilapit ko ang tenga ko para marinig sila dahil isa ako dakilang chismoso.
"Sasabihin ba natin kay raven?"tanong ni charlie.
"Diko alam baka sumugod yun bigla kapag nalaman nyang bumalik na yung tatay nya"saad naman ni zay dahilan para manigas ako sa kinatatayuan ko.
"Hinaan mo boses mo zay baka may makarinig sayo malaman pa ni raven"biglang saway ni gin.
Hindi kona tinuloy pa ang pakikinig at pumasok na sa office ni zenia na patuloy parin sa pagsusukat. Nakatulala lang ako habang nakaupo sa sofa dito sa office. Ayokong pakialamanan si raven sa problema nya dahil magsasabi naman ang isang iyon kapag kailangan na talaga nya ng tulong iyon kase ang isang rule samin bawal namin pakialamanan ang isa't isa kapag hindi kami nanghihingi ng tulong syempre privacy namin yun.
although matagal na kaming magkakakilala at magkakasama syempre kailangan parin namin minsan solohin yung problema ayaw rin naman namin madamay sa kahit na anong gulo kaya kapag kailangan nila ng tulong ay kusa silang magsasabi pero minsan hindi talaga namin maiwasan ang mangialam sa mga problema ng iba samin dahil nagaalala kami.
minsan na kaming nawalan ng kaibigan at yun ay ang mga ate ko at ayaw na namin ulet yun mangyari kaya hangga't maari ay nagtutulungan kami. Naputol ang pagiisip ko ng may humarang na baso sa harap ko kaya napaangat ako ng tingin at nasalubong ko ang mata ni Laney.
"Bat tulala ka? May problema ba?"pagtatanong nito bago tumabi sakin dahilan para masinghot ko ang pabango nya.
Sakanilang lahat si Laney ang paborito ko bukod sa maganda ang cute cute pa maalaga rin sya at mabait isa pa ay nagiging isip bata talaga ako kapag kaharap ko si laney. Kung kanina ay tulala ako dahil kakaisip kay raven ay natulala naman ako sa mukha ni laney na subrang cute kapag nagsasalita kase sya ay lumulubog ang dalawang dimple nya sa magkabilang pisnge.
"Huyy"biglang kalabit sakin dahilan para mabalik ako sa wisyo at natawa naman sya sa reaction ko.
"Sorry ang cute mo kasi ehh"saad ko habang nakatitig sakanya.
"Dimo ko mapipikot sa pambobola mo vin hahaha"natatawang saad dahilan para mabanguso ako.
"Ano ba kasing problema mo? kanina kapa namin napapansing nakatulala dyaan eh kanina kapa namin tinatawag"biglang tanong nito dahilan para magseryoso ako.
pasimple akong tumingin sa gawi ni raven bago ako sumagot.
"Diko kase maintindihan yung text ni uncle gurang"ani ko bago nilabas ang selpon at pinabasa sakanya nakita ko pang kumunot ang noo nya habang binabasa iyon.
"Diko rin mabasa eh wait papabasa ko kay tintin"saad nito bago lumapit sa gawi ni tin.
Matapos nun ay bumalik ulit sya at umupo sa tabi ko.
"Ang sabi ni tin ay 'Vin umuwi ka mamayang gabi nandito ang dad mo sa bahay hinahanap ka ingat ka labyu with 5 hearts emoji' yun yung sabi eh"nakangiwi nyang ani kaya napangiwi rin ako.
"Sige salamat"saad ko bago binalik ang selpon sa bulsa.
"Kape mo nga pala tsaka cake naghanda ako para may meryenda tayo"nakangiti nyang ani bago nilapag sa harap ko ang kape at cake kaya nginitian ko sya pabalik.
Habang kumakain ng cake ay napapaisip ako kung bakit umuwi si dad ang alam ko kase ay tumira na sya sa Scotland simula ng mamatay si mom. Isa ko pang pinoproblema ay yung nangyari sa bar nung birthday ni gray yung lalaki. Mukhang sunod sunod na problema ang kakaharapin namin ah dyahe dipa nga ako nakakahanap ng chix kagabi ehh putcha bitin tuloy yung inom ko.