Part 9

1414 Words

ISANG property na na-foreclosed ng bangko ang dinaanan nila. On-going na ang renovation niyon. Saglit lang na kinausap ni Rory ang foreman doon at umalis na rin sila. “May mga prospective buyers na ako noon. Sana matapos on-time,” kwento nito nang paalis na sila. “Suwerte mo sa properties, ano? Para ka lang nagtitinda ng nilagang mais. Ang bilis mo makabenta.” “Dito lang siguro ako nakalinya. Suwerte nga daw ng mapapangasawa ko, eh.” “Meron na ba? Iyong seryoso?” usisa niya. Alam niyang nagkaka-girlfriend ito pero hindi rin naman nagtatagal. Kahit nga si Onyok ay nalito na sa dami ng tinatawag din nitong ninang dahil kay Rory. “Iyon ang wala pa. Hanap mo kaya ako?” biro nito. Nanulis ang nguso niya. “Kayang-kaya mo iyan. Sa akin ka pa magpapahanap. Puro kami single moms sa cake shop.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD