Part 11

2018 Words

“SAMA KA sa amin doon,” aya sa kanya ni Rory nang bumalik ang mga ito. “Dito na lang ako.” Hindi tuminag sa kinauupuan si Erica Mae. “Malapit ka nang ma-stroke diyan sa kauupo mo. Sama ka na sa amin doon. Doon na daw gusto nitong anak mo. Di ba, Onyok?” baling nito sa ka-holding hands na bata. “Yes, Mama. Mag-join ka naman sa amin. Lagi ka lang nanonood lang.” Sinikmatan niya ng tingin si Rory. “Nasumbatan pa ako,” aniya at tumayo na rin. “Pareho din naman ang bayad mo sa entrance fee kaya isulit mo na rin.” Lumipat ng puwesto si Onyok at pumagitna sa kanila. Inabot din nito ang kamay niya. “Mama, mag-rides ka din,” aya nito sa kanya. “Sure. Saan ba tayo sasakay?” game naman na tugon niya bilang pagbibigay sa anak. “Doon tayo, Mama. Gusto ko doon!” excited na sagot nito. “Ninong, d

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD