ININSPEKSYON ni Erica Mae ang mga saging na nasa pantry ng B2. Lacatan ang karamihan doon para sa banana cupcakes na ginagamit nila sa shop. May naligaw na saba saka latundan, meron ding senyorita. Pinisil niya ang mga iyon. Base sa hipo at tingin niya, madali niyang natukoy ang over-riped. Napangiti siya. Limang over-riped na lacatan ang pinigtal niya sa piling. Binalatan niya iyon saka piniris sa stainless bowl sa pamamagitan ng tinidor. “Isa pa para mas malasa,” kausap niya sa sarili saka nagbalat pa ng isa. Pinong-pino na ang pagkakaligis niyon nang tigilan niya. She creamed the butter and sugar using their ever-reliable horse in the kitchen, the Kitchen-Aid mixer. Tumunganga siya doon habang umiikot ang flat beater niyon. Hindi siya OC baker. Hindi rin siya mahilig sumunod sa suka

