“BAHAY MO ito, Rory?” nakahalukipkip na sita niya dito nang hindi makaakyat na si Onyok. Naiayos na ni Rory ang laman ng cupboard. Inilapat nito ang pagkakasara ng pinto at pinunasan din nito iyon. Matatapos na rin ito sa paghuhugas ng kasangkapan. Hindi niya alam kung matutuwa siya o magagalit sa nakikita. Obviously, at home na at home nga ito sa bahay niya. “Alam nating hindi. But you know, you are welcome to my unit. Ariin mong parang bahay mo, matutuwa ako.” Parang lalong kumulo ang dugo niya. “Hindi ako nakikipagbiruan.” “Hindi rin ako nagbibiro. Ano sa palagay mo bakit hindi ako tumuloy sa Davao? Mas importante kayo sa akin. Kayong mag-ina. Pakiramdam ko ngayon naghahabol ako ng oras, bawat minuto mahalaga.” “Oh, really?” patuyang sabi niya. “Kaya pala maghapon ang lumipas na

