ILANG BESES na minura niya si Steve sa isip niya. Paulit-ulit iyon hanggang sa hindi na niya mabilang. Mahigpit na mahigpit ang kapit ni Erica Mae sa unan. Hindi niya nakaya ang naririnig sa doktor kaya tumalikod na lang siya. Umiiyak siya sa galit. Matagal nang nakaalis ang doktor nang maramdaman niyang dumantay sa balikat niya ang palad ni Rory. “You heard everything.” Mababa ang tinig nito. Tumango siya. “Napakahayup niya,” gigil na sabi niya. “Calm down. Isipin mo ang baby mo. Makakasama sa iyo ang stress.” “Paano ako kakalma sa ginawa niya sa akin? Alam niyang ayaw kong magpa-abort! Siya pa, siya pa talaga ang gagawa nito sa akin?” Umaakyat na naman ang dugo sa ulo niya. Hinaluan ni Steve ng pampahilab ang gatas na pinainom sa kanya. No wonder kakaiba ang lasa niyon. Ang tanga niy

