“ARCH. Jerica Samonte, bakit naman po kayo nagtaas ng design kay Sir Golen nang walang pahintulot ko?” tanong ni Vel via video call sa isa sa mga Senior Architect na alam niyang ayaw sa kanya at ’di siya bet maging manager. Ito ang isa sa mga problemang hindi niya alam kung paano maaayos. May mga katrabaho siyang hindi siya nirerespeto bilang Project Manager. Katwiran nila, bakit sila susunod sa mas bata at mas kaunti ang taong nailaan na sa kompanya? Napilitan siyang makipag-video call sa arkitekto na ito nang babaan siya ng memo ng CEO stating na ayaw nitong makatanggap ng irrelevant and unchecked designs na wala ni pirma niya. There she found out na bina-bypass siya ng ibang architects. Dahil madalas siyang magpa-revise ng trabaho, dine-diretso ng mga ito ang d

