NAKATITIG si Jam sa financial report na nakabalandra sa laptop niya. Sa gilid ng screen ay naroon ang maliit na video call window. He was talking to Apollo at the moment, while having his afternoon coffee session at the terrace of the house. Sinamantala niya ang pagkakataon para i-check ang status ng Vacanza de Laiya habang si Vel naman ay kakuwentuhan ang kaibigan nitong si Myka sa lanai garden sa may pool area ng bahay. Isang linggo nang nakatira sa bahay niya si Vel. He was thankful that she’s recovering well. Naging maingat na rin sila sa mga pagkaing ite-take nito para hindi na maulit ang nangyari. Hindi rin muna siya nag-duty para personal na alagaan si Vel. Pumupunta lang siya once in a while sa hospital para sa scheduled operation ng mga patient niya. So far, he enjoyed his

