HINDI na namalayan ni Vel kung gaano na katagal na tahimik lang sila ni Earl. Her tears kept on flowing. Iniangat ni Earl ang kamay upang pawiin ang luha sa kanyang pisngi. “Mahal ka ng ate mo. Iyon na lang ang isipin mo palagi. One way or another, meron tayong selfish reasons sa mga action natin. Your sister had but that didn’t mean she didn’t love you or love you any less.” She nodded. “I know. Nakagugulat lang talaga para sa akin ang mga nalaman ko.” Hinawakan nito ng kamay niya. “Earl, ipagdarasal ko na sana makakita ka ng babaeng kayang higitan ang pagmamahal na ibinigay naming magkapatid sa ’yo. And hopefully ’pag dumating na siya sa buhay mo, handa ka nang magmahal nang higit sa naibigay mo kay Ate at sa akin.” Umiling ito. “I don’t know if I still deserve that kind of love. A

