Chapter Thirteen
Pagtapos kong maligo ay nakita ko si Clyden na naka-upo sa isa sa mga upuan sa veranda dito sa guestroom. Nagsuklay ako ng buhok at pinuntahan ko siya doon sa labas. Umupo ako sa katabi niyang upuan, sinulayapan niya ako at bumalik muli ang tingin niya sa malayo.Tumingin ako sa harapan at namangha ako sa nakita ko, kitang kita mula rito ang main road. At napakagandang tignan ng mga ilaw ng sasakyan na umaandar. Napangiti ako sa nakita and it made me realize that maybe Manila has something good to offer. Trees, flowers and farmland is beautiful but city light are stunning for my eyes.
"You like the view?" Cly ask me. Napalingon ako sa kanya, all I can see is his side view. Nakatingin parin siya sa harapan ngayon.
"Yes, I never knew na may ganitong kagandang view dito."
"I really like the view of the city lights from this room. Sa tuwing umuuwi ako sa Manila ay dito ako nagpupunta."
Nagulat ako sa kanyang sinabi dahip ang guestroom na ito ang lagi kong ginagamit sa tuwing napapapasyal kami dito. Tita Anna said that Cly doesn't want anyone to occupy this room other than me. It made more sense now because now that I learned this information it made me feel a lot better.
"I guess you always go here to feel calm," I said. Napalingon naman siya sa akin noong sinabi ko yun.
"Sometimes. But I go her to feel something."
"What do you mean?"
"Kapag minsan kasi ay parang nawawala lahat ng pakiramdam ko emotionally. At kapag nagpupunta ako dito parang bumabalik ang lahat."
"Bakit dito?"
"Maybe because it's your room?"
Para naman akong nakaramdam ng kung ano sa kanyang sinabi. Ano ang ibig niyang sabihin sa salitang yun? Tinignan ko lang siya at nanatili akong tahimim dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Tumango siya sa akin at umiwas ng tingin.
"Sa tuwing magpupunta ako dito laging ikaw ang naiisip ko. Then all of my lost feelings will came back with the thoughts of you."
"Cly what are you talking about?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Is it normal to say things like that? Naguguluhan talaga ako sa kanya ngayon.
"It is very early for me to say those huh? Nevermind, it's all on me. You don't have to think about those words," he said. At tumayp na siya at nagsimulang pumasok sa silid ko at daretso palabas dito.
Ilang minuto ang lumipas na iniisip at iniintindi ko ang kanyang sinabi ay napagpasyahan ko ng pumasok. Nakaramdam na din ako ng pagbigat ng talukap ng aking mga mata. Kaya naman pagpasok at pagsara ko sa sliding door ay humiga ako bed. Paghiga ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
"Shana gising na!"
Napamulat naman ako noong may naramdman akong umupo sa tabi ko. Bumungad sa panigin ko ang panget na itsura ni Aiden. Dahan dahan akong umupo at kinusot ang aking mga mata. Medyo nasisilaw pa ang sa biglang pagbukas ng curtain sa sliding door.
"Anong oras na?" tanong ko sabay hikab. Sinuklay ko ang aking buhol gamit ang mga daliri ko upang maalis ang pagiging magulo nito.
"8:30 na. Nagluluto na ng almusal sa baba kaya pinapatawag ka na nila."
"Kanina paba kayo gising?"
"Hindi halos kakagising ko lang din. Osige lalabas na ako, bumababa kana ha?"
Hindi ko na sinagot si Aiden at dumeretso na ako sa banyo upang makapagligo bago bumababa. Pagtapos kong maligo ay lumabas ko ng naka-bath robe dahil nakalimutan kong magdala ng damit. Namili ako sa nga damit na nasa loob ng aparador. Medyo nahirapan ako dahil hindi ko type yung mga nakikita ko. Hanggang sa mahagip ng paningin ko ang isang white long sleeve botton down blouse at isang black skinny jeans. Mukhang babagay naman ang mga ito dun sa boots ko. Kaya iyon ang sinuot ko bago ako bumababa.
Pagbaba ko ay nagpunta ako ng kusina at nadatnan ko silang lahat na naka upo na hapag at ako nalang ang hinihintay.
"Pasensiya na po Tita Anna," sambit ko habang dahan dahan akong umuupo sa aking upuan.
"Nako ayos lang Shana hija kakaupo lang din namin," Nakangiting ani ni Tita Anna sa akin. Kaagad naman nawala ang aking nararamdaman na hiya kanina dahil sa ngiti ni Tita.
Habang kumakain kami ng almusal ay nagtatanong si Tita sa tatlo kung aalis na ba kami after kumain.
"Opo, Mama aalis na kami after kumain. Since bukas na yung sleepover namin with our friends kina Shana."
"Gano'n ba? Gusto niyo bang magdala ng cupcakes and cookies?" tanong ni Tita Anna. Hindi ko na hinayaan na makasagot si Cly at inunahan ko na siya.
"Opo Tita Anna, please?" Tumingin ako sa kanya at kaagad naman siyang napangiti sa akimg tinuran.
"Ayan Tita Anna si Shana fan na fan ng mga pastries mo!" ani ni Aiden at itinuro pa ako.
"Really Shana? Para naman akong ginanahan mag-bake niyan," Tita Anna said with a wide smile on her face.
"Opo Tita ang sarap kaya. Lalo na po yung chocolate mousse niyo, the best!"
"Hala Shana lumalaki naman ang ulo ko sa'yo."
"Sabi ko naman sayo Tita Anna magtayo kana ng pastry shop mo eh!" ani naman ni Daxon.
"Soon. Kahit wala siguro sa line of business namin yun baka pasukin ko dahil sa mga compliment ni Shana sa akin," masayang ani ni Tita Anna. Tumango ako at ngitian ko siya. She seem very happy now, I guess baking is her passion talaga.
Pagtapos kumain ay nag-umpisa ng ilabas nina Clyden ang mga pinamili namin na inilagay niya sa ref nila. Nakaupo ako sa sofa ngayon dahil ayaw nila akong tumulong sa kanila. Tinitignan ko sila na nagpapabalik balik sa kusina at sa parking. Tumayo ako at tinignan sila mula sa bintana dito sa living room. At noong matapos na sila ay ini-start na ni Cly ang kotse upang mailabas sa bahay nila.
"Shana Hija eto yung nga cupcakes and cookies mo. Kapag nag-binake akong bago papadalhan kita ha?" Inabot ni Tita Anna sa akin ang dalawang medium size boxes na mayroong pulang ribbon.
"Talaga po? Thank you so much po Tita!" ani ko at yumakap ako sa kanya.
"Mag-iingat kayo sa pag-uwi ha? Tara samahan na kita sa labas."
Naglakad kami palabas ng bahay nila habang nakahawak ako sa braso niya. Paglabas namin ay nakita ko na nakatayo na yung tatlo sa tabi ng kotse mukhang hinihintay nila na makalabas muna ako bago sila pumasok.
"Cly mag-iingat ka sa pag-da-drive ha? huwag mong masyadong bibilisan," paalala ni Tita noong makalapit kami sa kanila.
"I will, Mama. Salamat." Niyakap ni Cly ang kanyang ina at humalik sa pisngi nito. Gano'n din ang ginawa noong dalawa.
Sumakay na ako sa kotse at kumakaway ako kay Tita Anna hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Paglabas sa subdivision ay pinakuha ni Cly yung dala kong cookies at cupcake sa dalawa. Sa buong biyahe namin ay nag-uusap lang sila ng mga iilang bagay na hindi ko maintindihan. Bago kami makalayo sa siyudad ay nag-drive thru kami sa isang fast food restaurant para sa amin lunch. Dahil kapag nakalayo na kami ay wala na kaming madadaanan kundi mga puno, bahay at iilanv maliliit na tindahan.
"Magpapaalam kami kay Mama na sa inyo kami matutulog ngayon," ani ni Aiden habang kumakain ng burger. Si Daxon naman ay nilalantakan yung fried chicken. Si Cly naman ay patuloy padin sa pag-da-drive.
"Ha bakit?" tanong ko bago isubo ang hawak kong chicken nuggets.
"Malamang tutulong kami sa pag-pe-prepare. Kakahiya kaya kina Manang. Atsaka para naman makapag-celebrate tayong tatlo," sagot ni Dax at tumingin siya sa dalawa.
"Oo nga! Atsaka gusto ko na mauna ako sa mga yon!" sabi naman ni Aiden. Si Cly at tumango lang na pagpapakita niya ng pagsasangayon.
"Osige kung yan ang gusto niyo. Cly ayaw mo ba kumain?" tanong ko kay Cly at tinignan ko siya.
"Nag-da-drive ako mamaya nalang," sabi niya. Tinignan ko ang oras sa aking telepono at nakita ko na lagpas alas dose na. Ang traffic kasi kanina dun sa may edsa, kaya hanggang ngayon wala padin kami.
"Susubuan kita!" Nag-aalala ako na baka malipasan siya ng gutom. Atsaka magmula kahapon ay kumakain kami habang siya naman ay nag-da-drive.
"Wh-what?! Shana! Gusto mo mabungo tayo?" sabi nito at itinuon ang tingin sa daan. Nakita ko din ang paghigpit ng hawak niya sa steering wheel ng kotse.
"Ha bakit naman? Nag-offer lang naman ako na papakainin kita eh!"
Napansin ko ang maglunok niya ng ilang beses noong matapos akong magsalita.
"Just don't say words like that. Kakain ako mamaya, kapag malapit na tayo sa Eretria ay makikipagpalit ako sa dawala."
"Okay, mukhang nalapit narin naman tayo."
Ilang minuto pa ang lumipas at hininto ni Clyden ang kotse sa gilid at bumaba si Aiden upang pumalit kay Cly. Pagsakay ni Cly sa likod ay pinanood ko siyang kumain mula sa rare mirror. He look hungry and exhausted now.
"Gusto mo dumaan sa bayan?" biglang taong ni Aiden sa akin. Napatingin naman ako sa kanya at tumango.
"May bibilin ka Shana?" tanong ni Dax mula sa likod.
"Nag-text kasi si Mommy kanina nagpapabili ng cassava cake sa bayan." Tumango lang si Dax.
Bumababa kaming tatlo habang si Cly naman ay naiwan sa kotse magpapahinga lang daw siya. Naglalakad kami noong humiwalay si Daxon sa amin dahil may nakita daw siyang kaibigan niya. Hinayaan namin ni Aiden nagpunta na kaminsa bilihan ng cassava cake. Pagbili namin ay dumaan muna kami dun sa bilihan ng mango graham shake at bumili kami ng apat para sa amin. Pabalik na kami sa kung saan naka-park yung kotse noong nakita ko si Dax na pasakay na dun.
"Here, ibinili ko kayo ng ng mango graham," ani ko at iniabot kay Dax at Cly yung dalawa. Yung kay Aiden naman ay nasa cup holder dito sa harap.
"Ang bait talaga Shana, thank you!"
"Thank you, Shana. Nakabili ba kayo ng cassava cake?" tanong ni Cly sa akin.
"Yes, dalawa na yung binili ko yung isa sa atin. Kainin natin mamaya kapag makapagpahinga na tayo."
Naging tahimik kaming lahat habang patuloy sa pag-da-drive si Aiden. Pinapanood ko ang dinadaanan namin habang umiinom ako ng shake. Noong mapadaan kami sa mga Villavicencio ay napansin ko na nakatingin din si Clyden dito. Is he expecting someone from there? Hayaan na nga baka napalingon lang.
Pagdating sa amin ay dumiretso kami ng upo sa sofa. Sabi kasi ni Mommy na sina manong nalang ang magbaba nung mag pinamili namin.
"Bakit parang ang late niyo ata nakarating?" tanong ni Mommy habang kinukuha niya yung mga cassava cake sa coffee table.
"Traffic po kasi kanina Tita," si Daxon ang sumagot dahil parang nakatulog na si Clyden sa sofa namin.
"Ay oo nga pala. Osige magpahinga muna kayo diyan ipaghahanda ko kayo ng miryenda." Tango lang ang naging sagot namin kay Mommy.
Itinaas ko ang paa ko at ipinatong ang mga ito sa binti ni Aiden na nasa tabi ko.
"Tanggalin mo nga boots ko Aiden para naman may silbi ka," sabi ko habang humihiga sa sofa habang nakapatong padin ang mga paa ko sa binti niya.
"Kapal naman ng mukha mo, nag-drive kaya ako. Ikaw nga puro ka lamon sa kotse kanina eh!"
"Pake mo ba? eh sa gutom ako! Dali na kasi, parang hindi kaibigan."
"Kapal talaga ng mukha," ani nito at sinimulan na niyang alisin ang mga boots ko. Tumango tango ako sa kanya habang inaalis niya ang mga ito. Hindi na ako nagsalita at ipinikit ko na lang ang mga mata ko habang yakap-yakap ko yung throwpillow namin.
Nagising ako na may kumot na nakapatong sa akin. Tumingin ako sa paligid at nakita ko na naka bukas na ang mga ilaw sa sala. Nakita ko na tulog padin si Aiden at hawak hawak niya mga paa ko. Sa kabilang sofa naman ay si Daxon na nag-ce-cellphone sa tabi nito ay si Clyden na tulog habang naka upo na yakap-yakap ang throwpillow. Dahan-dahan kong inalis ang paa ko binti ni Aiden para hindi siya magising ay umupo ako sa sofa. Inilagay ko sa ulo niya yung throwpillow na hawak ko at itinupi yung kumot.
"Shana gutom kana?" tanong ni Dax habang nakatingin padin sa phone niya.
"Medyo, nakapagpahinga ka Dax? Hindi ko napansin na naka tulog ako dito."
"Oo. Hindi naman ako kasing pagod nitong katabi ko," ani niya at itinuro si Cly. Nahalatang pagod na pagod dahil sa kanyang itsura.
"Nakapaghanda na kaya ng hapunan si Mommy?"
"Ay ang sabi pala ni Tita paggising niyo daw kumain na tayo."
"Umalis si Mommy?"
"Oo bigla daw tumawag dun sa company niyo kaya dali-daling umalis," sagot ni Dax at ibinalik ang tingin sa kanyang telepono.
Tumayo na ako at kinuha ko yung phone ko at tinext ko si Mommy. Sana ay okay lang sila doon.
"Akyat muna ako sa taas, maghihilamos ako. Kapag gising na yung dalawa kain na tayo," sabi ko at umakyat na sa taas. Narinig ko ang pagsangayon ni Dax pero hindi ko na siya nilingon pa.
This night will be long. Alam ko kung bakit dito binalak matulog noong tatlo. They want to stay up until dawn with me watching, eating, playing and teasing me (mostly si Aiden lang), in short gusto nila bumawi. Nabasa na nila yung isip ko na nararamdaman kong parang lumalayo na sila sa akin? o baka naman namiss lang nila ako. Anyways kahit ano pa ang dahilan nila ay masaya ako na kasama ko sila ngayon.
"Hi birthday girl!" bati sa akin ni Shaun pagpasok niya sa bahay namin. Siya ang naunang dumating sa mga 'kaibigan' ko.
"Uy Shaun! I haven't seen you simula noong nagbakasyon. Tumangkad ka yata?" tanong ko habang naglalakad ako palapit sa kanya. Niyakap ko siya at nakipagbeso ako.
"Nagpunta kasi kami ni Manila nun eh. Nagmadali nga ako umuwi noong tumawag si Aiden sa akin na sinabi nagyaya ka daw sa inyo." Umupo siya sa sofa namin kung saan katabi niya si Aiden ngayon.
Manila? So he's with Julien noong tumawag si Aiden sa kanya? Narinig niya ba? I hope he didn't hear it. Bakit ko nga ba iniisip yung lalaking yun. Maybe I was a bit guilty for making him fall for me and leave him after that. After all Julien is kind person kung hindi ko lang siguro nalaman yung usapan nila ng mga kaibigan niya I would probably be in love with him by now.
"Shana, hoy bat kaba nakatulala!"
"Ha?"
"Anong ha? Hindi kaba nakikinig sa amin?" tanong ni Aiden. Napatingin ako sa mga kasama namin sa sala at napansin ko na kumpleto na pala kami.
"Shana, I was asking buti sleepover yung naisip mo? You didn't consider having party?" tanong ni Alice sa akin. Nandito na din pala silang dalawa ni Anne. Si Kevine nalang ata ang kulang sa amin.
"Oo nga, party will be a lot better. Although I like this sleepover," Ani naman ni Anne.
"I just don't like party. Astaka kung magpapaparty ako sino iinvite ko. Kayo lang naman ang mga friends and acquaintances ko."
"You should be more friendly sa pasukan Shana. If they don't like you, be with us ipapakilala ka naman sa mga ibang friends namin," sabi naman ni Alice at ngumiti siya sa akin. Alice and Anne are the type of girls that are only kind to their close friends. Kahit naririnig ko kung ano ginagawa nila sa school I refuse to believe it, because after all they are kind to me.
"Don't introduce Shana to your minions Alice," ani ni Aiden at tumingin sa kanyang mga pinsan.
"Alice, Shana will eventually find friends na kasing edad niya." Tignan ko naman si Clyden na tumayo sa kanyang kinauupuan at lumabas.
"Yeah right, atsaka baka mahawa pa sa attitude problems niyo tong si Shana."
"Attitude problems ka diyan Dax. If I know mas malala yung attitude problems ng mga naging ka fling mo," sagot ni Anne sa kanya.
"Oy bat kayo nag-aaway away. Kararating ko lang tas maririnig ko sigaw ni Anne." Napalingon ako sa pintuan at nakita ko si Kevine na may dala dalang black matte paper bag.
I smiled at him bago ko siya nilapitan.
"Aw Shana you look good sa bago mong hairstyle! Eto regalo ko, suotin mo yan ah?" Iniabot niya sa akin yung paper bag at niyakap ko siya.
"Okay, Let's eat na? Baka lumamig na yung sinerve na pagkain ni Manang," ani naman ni Cly. Kinuha niya yung paper na hawak ko at ipinatong niya ito sa isang sofa na puno ng regalo mula sa kanila.
Habang kumakain kami ay nagkukwentohan din kami ng mga ginawa nila ngayon bakasyon.
"Next summer vacation dapat mag-beach tayong lahat with Shana."
"Oo nga! Hindi pa tayo nagkaroon ng trip with Shana," ani ni Kevine habang kumakain ito.
"Nagkaroon kasi tayo ng kanya kanyang vacation kaya hindi natin nagawa yung ginawa natin dati."
"Talaga?! na-excite naman ako para tuloy akong may mga kabigan na!"
"Mayroon ka naman kaibigan Shana," Shaun said while looking at with a smile on his face.
"Kami! Kaibigan mo kami Shana, don't forget that!"
"Adriatico's are not your only friends, kami din naman."
Para naman akong maiiyak sa mga sinabi nila ngayon. Having friends? It was always been my dream to have them. This probably my happiest birthday in my life.
Magdamag kaming nag-uusap usap at naglaro din kami ng uno and other card games. Noong 12 AM na kinuha nila yung cake sa fridge at nilgayan ng candle habang kumakanta sila.
"Happy birthday to you, Happy Birthday, Happy Birthday Dear Shana."
"Make a wish before blowing your candle, Shana," sabi ni Cly na nahawak hawak ngayon ang cake.
Pumikit ako at nag-iisip ako ng hihilingin,'I hope that I could celebrate more birthday party with my family and friends. And I hope that the Adriatico's will always be at my side.'
Binukas ko ang mga mata ko at hinipan ko na yung candle. Pagkaihip ko ay pumalakpak siya at nagcelebrate.
"Happy birthday Shana! 15 years-old kana! Yieee!" bati ni Alice sa akin at sinundot sundot niya tagiliran ko.
"Birthday girl walang muna matutulog ha? Manonood pa tayo ng scream," sabi naman ni Shaun at ipinakita ang hard drive na dala niya kanina.
"Oo naman. Iset up na natin ang sala?"
"Ako na bahala dito sa cake, I-sa-slice ko then kukuha na din ako tinidor," nagpiprisinta ni Clyden.
"Ako na, I mean kami na kukuha ng mga foam at blanket sa taas. Kayo mga babae ayusin niyo na yung tv at magwalis na din kayo," ani naman ni Aiden habang paakyat sila sa taas.
Pagtulungan naming dalawa ni Alice yung coffee table, binuhat namin ito papunta dun sa likod nung sofa. Sa lapag kasi kami hihiga, ilalatag yung 4 na queen size fo dito sa sala. Doon kami hihiga habang nanonood ng tv.
Ang mga pagkain naman ay nakapatong dun sa mini table sa tabi ng isang sofa. Pagbaba nin Aiden ay inilagay na nila yung foam at ipinagtabi tabi na nila ito. Si Anne naman ang nag-aayos ng mga unan at kumot, habang binubuksan ko na yung TV. Noong maayos na namin ang lahat ng mga kailangan ay pinatay ko na yung ilaw at humiga na ako sa gitna nina Cly at Aiden. Ganito tung puwesto namin.
Kev-Dax-Cly-Me-Aide-Shaun-Alice-Anne.
Habang nanonood ay nasa tv lang ang aking mga mata, halos ata kami ay seryoso sa panonood namin. Kaya naman noong mga nakakabiglang scene ay mapasigaw kaming lahat, napakapit pa nga ako sa braso ni Aiden eh. Mukhang nagulat din siya kaya hinayaan niya ako. Naramdaman ko naman na mas lumapit sa akin si Cly, liningon ko siya at nakita ko na tulog na siya nakatalikod kasi ako sa kanya. Hala tulog na siya?
Umupo ako para maayos ko yung kumot niya noong napansin ko na pati si Dax ay tulog na din. Inayos ko yung kumot nung dalawa at bumalik ako sa pagkakahiga at panononood. After naming manood ng scream ay tatlo na lang kaming gising. Shaun, Aiden and Me.
"May gusto pa kayong panoorin?" Nakaupo na kaming tatlo ngayon habang nasa gitna namin yung cake. Sakto na nasa ginta kaminat kitang kita namin yung Tv.
"American Pie!" Binatukan ko naman si Aiden sa kanyang request.
"Ang bastos gagi! Parang gusto ko manood ng series," suggest ko. Pinindot naman ni Shaun yung folder na mayroong title na series.
"Ano ba klaseng series? Kdrama? Anime? American series?"
"Anime/American Series!" sabay na naming sagot ni Aiden.
"Ano ba anime kasi, nakita ko yung another. Kita ko sa suggestion ko dati yan maganda daw," sabi ko at nagmamakaawa na yun ang panoorin namin.
"Pagbigyan ang birthday girl!"
"Ang daya gusto ko panoorin yung bigbang theory eh!"
"Hoy nako Aiden tigilan mo ako!"
Walang nagawa si Aiden dahil mukhang gusto din panoorin ni Shaun yung Another. Pagkakita ko palang sa opening ay mukhang tatapusin namin ito ngayon. Hindi kami matutulog sa lagay na to.
~~~