Chapter Fourty Three Dahil sa pagseselos ni Clyden at kalahating oras kaming late sa usapan namin ni Julien. Pagdating sa cafe ay wala siya doon, ilang beses ko pa inikot ang paningin ko sa buong cafe ay wala siya. "Umalis na ata siya. Ikaw kase eh!" inis na sabi ko kay Clyden at hinampas ko ang braso niya. "I-text mo kaya no. Baka hindi pa siya dumarating," sagot naman ni Clyden sa akin. Mabilis kong inilabas ang aking telepono at tinignan kung mag text si Julien. Nang makita kong wala siyang text ay nagtipa naman ang text sa kanya. To Julien; Hey nandito na ako. Nasaan kana? Pagka-send ko ng text ay inilibot ko muli ang aking paningin sa buong cafe. Ngunit ni anino ni Julien ay wala sa cafe. "Let's seat over there first habang hinihintay natin ang reply niya sa'yo," sambit ni C

