Chapter Six

3230 Words
Chapter Six Nakatingin ako sa sarili ko ngayon sa harapan ng salamin namin. I was wearing a 2 inches above the knee plaid skirt with a semi-fitted blouse na naka-tuck-in sa skirt. Wearing high school uniform feels different right now. Habang nakatingin ako sa sarili ko ngayon ay napapa-isip ako kung magiging ganito na ba ang itsura ko habang buhay. But maybe I will improve more in few years. I comb my long black hair before picking up my back pack. Sinuot ko na ang black flat shoes ko at dumiretso na palabas ng kuwarto ko. Pagbaba ko ay nagpunta ako sa kusina nakita ko sina Mommy na nag-be-breakfast. Inilagay ko muna sa isang sofa ang bag ko kanina sa may sala para makapag-breakfast ako. Bago umupo ay hinalikan ko muna ang pisngi nina Mommy at Daddy. "Good Morning baby, how's your sleep?" tanong ni Daddy sa akin. Umupo ako sa harapan ni Mommy bago ko sinagot si Daddy. "It was fine, Daddy. Kayo po kamusta ang tulog niyo? Naging komportable po ba kayo?" Lumingon ako kay Mommy at Daddy na hinihintay ko silang sumagot. Both of them would always ask me about my sleep and I do the same to them too. "It was good baby. Both me and your dad had a comfortable sleep," sagot ni Mommy sa akin. I smiled at them because even though they are busy at some works they still finds time to eat breakfast here with me. "I'm excited for my first day at the high school Mommy," ani ko habang nakangiti bago ko kainin ang bacon ko. "I'm excited for you too honey. I hope you will have a lot of friends now." "Gusto mo bang ihatid kita sa school?" "Nope it's okay na si manong na lang po ang maghahatid sa akin." "Are you sure?" "Yes po." Pagkatapos mag-almusal ay humalik ulit ako kina Mommy bago lumabas. Pagsakay ko sa kotse namin ay pina-andar na kaagad ni manong ang kotse. Kinakabahan ako habang nasa biyahe ako papasok, it's a new environment. I hope I will fit in there. Pagdating sa school ay nagpunta ako sa junior high school building. I know kung anong section ako, pero hindi ko alam kung saan yun. Habang naglalakad ako ay lumilingon lingon ako, madaming tao pero halos busy sila sa paghahanap ng classroom nila. Patuloy ako sa paglalakad hanggang sa may kumalabit sa akin. Kaagad naman akong napalingon sa likuran ko. At nakita ko si Julien na nakangiti ngayon habang nakatingin sa akin. "Hi!" bati niya at kumaway sa akin. "Hello? bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya. Nararamdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko pagkakita ko kanina sa kanya. "Nakita ko kasi na parang may naliligaw dito," tumawa siyang bahagya matapos magsalita. He's so handsome oh my gosh, para akong natutunaw sa mga ngiti niya. "Uhm hindi ko kasi alam kung saan yung room section ko," sabi ko at ipinakita ko sa kanya ang student information ko. "7-Supernova? Ah sa building 5 third floor to. Tara samahan na kita," ani niya sa akin. Napalingon naman ako sa kanya kaagad. "Hindi kaba mahuhuli?" tanong ko. Nagsimula na kaming maglakad. Nakasunod lang ako sa kanya but hindi na ako sa likod niya kasabay ko na siyang naglalakad ngayon. "Maaga pa naman, atsaka mag katabi lang naman ang building natin kaya ayos lang." "Ganoon ba? Salamat ha Julien. Kung wala ka siguro ay naligaw na ako." "You're welcome, Shana. I'm happy that I was able to help you," sagot niya sa akin. Napangiti na lang ako sa sinabi niya sa akin. Habang naglalakad kami ay napapalingon ako sa dinadaanan namin. Ilang minuto pa sa pag lakad namin ay nakarating na kami sa building 5. "Yo Julien! bakit ka nandiyan? Sino yan?" Napatingin ako sa mga tumawag kay Julien mula sa likuran namin. "Shana mauna na ako ha? your room is at third floor sa pangatlong room." Kumaway siya sa akin at mabilis niyang pinigilan sa paglapit dito ang mga tumawag sa kanya. I wonder kung nasa room na nila yung tatlo. Baka yayayain ko na lang silang kumain ng lunch mamaya. Pagdating ko sa room ay umupo ako sa may likuran parte ng silid. Pinapanood ko ang mga pumapasok sa room. Mayroong magkakasama, mayroon din mag-isa kagaya ko. Napangiti naman ako noong may umupo sa tabi ko. "Hi! I'm Shainna Dela Torre." Pagpapakilala ko sa kanya, inabot ko pa ang kamay ko. "Hello Shainna. I'm Kitty Shin," sagot nito sa akin at tinangap ang kamay ko. Para akong nakahinga ng maluwag noong tinangap niya ito. "Ikaw lang ba mag-isa?" "Nasa ibang sections mga kaibigan ko eh. Ikaw ba?" tanong niya sa akin habang inaayos niya ang kanyang buhok. "I'm alone wala akong kaibigan na nasa kabilang sections." "But you have me now, we can be friends!" Napangiti ako sa sinabi niya sa akin. Naging mabilis ang mga oras. Hindi pa naman kami nag lessong ngayong araw halos nag pakilala lang ang mga guro namin. Ang huling subject namin ngayong araw ay tapos na at naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko. "Hey Shainna, gusto mo sumamang mag lunch sa amin?" tanong sa akin ni Kitty. "Maybe next time?" Nakita ko kasi ang pangalan ni Aiden na tumatawag sa akin. Baka yayayain niya akong kumain ng lunch. "May kasabay ka?" "Ah yung-" Hindi ko natapos ang sasabibin ko dahil may tumwag na kay Kitty mula sa labas. "Kitty Tara na!" "See you later, Shainna." Pag-alis ni Kitty ay sinagot ko ang tawag ni Aiden. "Hello? Nasaan ka?" "Nasa room ako, Ikaw?" tanong ko habang inaayos ko ang bag ko bago suotin. "Papunta sa room niyo, anong building?" "Building five, third floor." "Okay see you there," ani nito at pinatay na niya ang tawag. Lumabas na ako sa room at hinintay sa hallway si Aiden. Some of my classmates are looking at my side. "Hello? gusto mong sumabay sa amin?" Pagyayaya sa akin ng isa sa mga lalaki kong kaklase. "Hi! may kasabay na ako. Pero salamat sa pagyaya sa akin." Ngumiti ako sa kanya. Para naman siyang nahiya dahil tumangi ako sa pagyaya niya sa akin. Aiden bakit ang tagal mo! Nakakahiya na tinatanggihan ko ang mga classmates ko. Ilang minuto pa ang lumipas noong dumating na si Aiden. He's wearing a complete uniform, a while polo na naka tuck-in sa kanyang black pants. He look good though kaya siguro na papalingon sa kanya ang mga babae na nadadaanan niya. "Ang tagal mo!" pagrereklamo ko paglapit ko sa kanya. "May nakasalubong kasi ako, may itinanong sa akin. Tara na baka nandoon na din sina Cly," sabi nito at sabay na kinuha ang bag na suot ko. Habang nag lalakad kami sa papunta sa canteen ay may naririnig akong bulung bulungan. "Hey isn't that Aiden? Who's that girl?" "Break na sila ni Mary?" "Ano kaba matagal na silang wala. Ang alam ko si Marie ang girlfriend niya ngayon." "Girlfriend? Nag-gi-girlfriend ba ang mga Adriatico?" Umangat ang tingin ko kay Aiden. Alam ko naririnig niya ang mga bulong bulungan pero hindi niya pinapansin ang mga ito. I did my best para hindi makinig sa mga nadaanan namin. I kept a straight face while walking beside Aiden. My confidence is always there whenever I go, I never get intimidated by any of the Adriatico. Kahit sinasabi ng mga kaklase ko noon na they are so intimidating. Maybe I never get intimidated by them because I'm on their level or maybe because I just know them very well. "Iba pa ba itong canteen kung saan tayo kumain noon?" tanong ko kay Aiden pagpasok namin sa canteen. Sabay-sabay naman napalingon sa amin ang mga tao sa loob. Girls are looking at Aiden's way then titingin sila sa akin. "Maraming canteen dito sa school, Shana. Pero sa canteen 3 kami laging kumakain." Patuloy kami sa paglalakad papasok sa canteen. "Ayun sina Cly oh!" Itinuro ko sa kanya si Cly na nakatingin sa aming dalawa ni Aiden ngayon. He's looking us like kami lang dalawa ni Aiden ang nandito sa canteen. Paglapit namin sa table ay napansin ko na hindi lang pala sina Cly ang nandoon. Mayroon tatlong lalaki at dalawang babae na naka-upo kasama nila. May dalawang bakanteng upuan sa tabi ni Cly na mag katabi. Umupo ako sa isang bakanteng upuan at sumunod naman sa akin si Aiden. "Everyone meet Shana," sabi ni Dax pagka-upo ko. "Hello Shana! I'm Alice batch mate ko si Aiden, but I'm Clyden's friend." Ngumiti sa akin ang babae na katabi ni Cly. I look at her and she's wearing our uniform in a very sexy way. "I'm Anne, kaibigan ko si Alice. Kaya napasali din ako dito," sabi naman ng babae sa tabi ni Alice. She's smiling at me but I sense that it wasn't a genuine smile. Napabaling naman ang tingin ko sa mga tatlong lalaki na nasa tabi ni Dax. They are looking at me with small smile on their lips. Ngumiti ako sa kanila pabalik at para naman silang nakahinga ng maluwag. "It's quite to see a nice girl at our group. I'm Shaun Perez." The guy with a parted bangs and a almond eyes said. "Are you saying na hindi mabuti yang dalawa? My name is Kevine Martinez. Nice meeting you Shana." "Are you trying to ruin Alice and Anne reputation to Shana? I'm Jacob." "Tama nga na yang meet and greet na yan. Kumain na tayo nagugutom na ako," biglang sabi ni Aiden tumingin ako sa kanya at nagkibit balikat lang siya sa akin. "What do you want to eat, Shana? I will order it for you," sabi ni Cly sa akin. "Uhm kung ano nalang siguro yung sayo ganoon na lang yung sa akin." Ako lang ang naiwan dito sa table namin dahil tumayo silang lahat para mag-order ng kakainin. This is going to be my routine for everyday. Satingin ko ay masasanay din ako sa ganito, eating with the Adriatico's friends and eventually they will be my friends too. "Shainna you know the Adriatico's?" Napatingin ako sa isa sa mga ka-group ko. It's been a month since nagsimula ang klase at heto kami ngayon nag-pa-practice para sa role playing namin. "Oo, I've known them since grade school. Why?" "Nakita kasi namin na kasama mo silang kumakain ng lunch noong isang araw," sagot sa akin ng isa sa mga ka-grupo ko. After that conversation with some of my classmates became distant to me. Hindi na nila ako kina-usap ng mga iilan kong ka-grupo. Matapos nilang malaman na ka-close ko ang mag pipinsan ay iniwasan na nila ako at hindi kinaka-usap. Ganito din ang nangyari noon kaya hindi na ako masyadong apektado. Pero nasaktan padin ako ng kaonti dahil nag-e-expect padin ako na magkakaroon ako ng kaibigan ngayon dito. Sa isang buwan ko na pag-aaral dito ay alam ko na mga pwedeng puntahan dito sa school. Mayroon kaming ilang subject na vacant, ayaw ko mag-stay sa room. Nag-uusap usap ang mga classmates ko pero ako lang mag-isa ang walang kausap. Kitty stopped talking to me week after ng first day of school. Umupo ako sa isa sa mga bench dito, maraming benches at tables sa part ng school naming ito. It's peaceful here walang masyadong nagpupunta dito dahil mas gustong mag-stay ng mga estudyante sa mga airconated na room. I prefer the fresh air instead of the awkward atmosphere sa room namin kapag nandoon ako. Nararamdaman ko na lahat sila ay ayaw ako na nandoon. "Hey what are you doing here?" A sweet like honey voice made me stop thinking about my classmates. "Julien! A-no kasi gusto ko ng fresh air," mahina kong sagot sa kanya. Ayaw ko na sabihin sa kanya ang nangyayari sa classroom namin. Hindi naman kami ganon ka close. "Bakit mag-isa ka lang?" "Ah eh may ginagawa kasi mga kaibigan ko." "Ganon ba? Do you mind if I would sit here?" Itinuro niyo ang upuan sa harapan ko. "I don't mind at all. Wala naman din akong kasama," sagot ko sa kanya. I don't really know if I like him but maybe I should give it a try. "How's your day naman?" bigla niyang tanong sa akin pagka-upo niya. Tumingin ako sa kanya and there he is his neutral face is back again. "Ewan? Wala naman masyadong pangyayari sa araw ko eh. Ikaw ba?" "Well ganon lang din naman." "Do you still play basketball?" "Oo gusto mo ba manood ng practice game namin mamaya?" Nagulat naman ako sa biglang pag babago ng expression niya. He's smiling right now, his neutral face is gone. Hindi ako nagpupunta kapag niyaya ako ni Dax na manood ng game niya. Ayaw ko kasing manonood ng mag-isa, usually kasi ay kasama ni Aiden ang girlfriend niya kapag nanonood siya. Si Cly naman ay ganoon din kaya mas pinipili ko nalang huwag mag punta kaysa maging third wheel sa kanila. Pero mukhang mapapapunta ako ng mag-isa ngayon ah. "Talaga ba? Anong oras?" "Hindi pa sure eh. Can I get your number? para ma-inform kita sa time?" "Ha? sure! heto ang number ko." My hands are shaking while writing my number on a piece of paper. Habang inaabot ko ito sa kanya ay parang nanlalambot ang kamay ko. What is wrong with me? "Thank you! Oh tinatawag na ako ng mga classmates ko. See you later, Shana!" Tumayo siya at nag simula ng maglakad palayo sa akin habang kumakaway. Hindi man lang ako nakasagot sa kanya dahil ang layo na niya noong narealize ko na umalis na siya. Do I really find this guy attractive? Do I really like him? Why do I feel like these whenever I see him. Maybe I should find out more about my feelings for him. Napagpasyahan kong tawagan si Aiden para yayain na siyang mag-lunch. Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa building nila ay may nakabangga akong babae. Nabitawan ko ang hawak hawak ko na book. Napatingin ako sa nakabangga ko and It's Cath one of Aiden's Ex fling. "Opps sorry!" she doesn't sound sincere to she sounds like mocking me. "You did that on purpose," sabi ko at tinignan ko siya sa mata. If she thought she could bully me kagaya ng mga ginagawa niya sa bahay nila, She's wrong. "And what if I did? Mag susumbong ka kay Aiden? Or Cly?" she said with a annoying voice that she always use to mock one of their maid. "Why would I do that? Like as if I need them to defend myself on a bully like you. Come on." I crossed my arms and raised my eyebrows on her. May iilang estudyante ang nakiki-usyoso ngayon sa amin and I can say that she like attention. Nakita ko na napangiti siya noong napansin niya na dumami ang mga nakatingin sa amin. As expected this Cath girl just want attention. "Acting strong ey?" "I'm not acting. Hindi ko naman kailangan ng katulong para lang sayo. It's a waste of time confronting you." "Ang sabihin mo takot ka lang," matapang na sambit nito sa akin. Lumapit siya sa akin at sinubukan niya akong itulak pero hinuli ko ang kanyang kamay at hinawakan ko ito ng mahigpit. "Don't try getting on my nerves, Cath. You might be older than me but I know a lot of things that could make you transfer," Bulong ko sa kanya bago ko siya bitawan at pinulot ang libro ko at nagsimula ng maglakad palayo. I heard some of the students whispers as I walked away. "Nakita mo ba yun? The bully found her match." "I didn't know na makikita kong tumiklop si Cath." "Who's that girl? Is she new?" "Nako matapang lang iyang babaeng yan dahil kasama niya mga Adriatico." "Baka alagad yan ni Alice!" "What a freak!" "She's cool!" Samu't sari ang mga bulung bulungan pero hindi ko sila gaanong pinakingan. I'm used of people saying bad things to me dahil lang sa ka-close ko yung tatlo. If they think their words could hurt me they should think again. Bumuntong hininga ako bago ko tawagan si Aiden. "Hello Aide? Where are you?" "Pababa na ako ng building namin, ikaw?" "Nasa first floor na ako ng building niyo. Dalian mo!" "Aye Ma'am!" Pinatay ko na tawag noong naaninag ko siyang palapit sa akin. Aiden look very serious always give of this "don't go near me aura". I really don't know if he's really serious o nag kukunwari lang siya. "You fake ass! stop looking so serious baka maniwala ako, leche!" Inabot ko sa kanya kaagad ang book na hawak hawak ko. "I'm serious naman talaga! Ikaw ang tumigil sa pagmumukhang mabait. Alam naman natin kung gaano ka kademonyo." "Tigilan mo ako Aiden ah. Baka gusto mo sayo ko ibuntong ang inis ko sa ex-fling mo!" "Ex-fling who?" tanong nito sa akin haban nag lalakad kami palabas ng building nila. "Cath! Binunggo niya ako kanina," naiinis kong sagot sa kanya. Tumingala ako at tinignan ko siya ng masama. "She thought na ikaw ang bago ko." "Eww! kadiri naman!" "Maka-react ka ah. Muntik na nga ako masuka noong sinabi niya iy-Aray!" Hindi natapos ni Aiden ang sasabihin niya dahil hinampas ko siya ng malakas sa braso. "Kala mo naman talaga no! Mas nakakadiri kaya yun sa part ko huwag kang ano diyan!" "Kala mo din talaga no. Maganda ka ba? Wala nga nagkakagusto sayo!" "Wala pa! Maghintay ka kapag may nagkagusto sa akin." "Kailan ba yan? Kapag 60 kana?" Nagsimula na siyang tumakbo palayo sa akin dahil kapag nahabol ko siya baka hindi lang hampas sa braso ang aabutin niya sa akin. Hanggang sa makarating kami sa canteen ay naghahabulan kami. Pagpasok namin sa loob ay dumeretso siya sa bakenteng upuan. Bago pa ako maka-upo sa upuan ko ay sinipa ko ang paa niya. Nakatingin lang na nagtataka sa amin ang mga kaibigan nila. "Inasar mo nanaman ba si Shana?" tanong ni Dax bago ako umupo sa tabi niya. "Hindi ko yan inaasar ha! nagsasabi lang ako ng to-" "Tigilan mo ako Aiden baka mabato ko sayo tong baso!" pagbabanta ko kay Aiden. "I didn't know Aiden has this playful side," sambit ng katabi na babae ni Dax. She look new to me para ngayon ko lang siya nakita. Maybe she's Dax new girlfriend. "Lagi kasing inaasar ni Aiden yang si Shana. Para bata kung mag-asaran." "Nako baka kayong dalawa nag magkatuluyan niyan ha!" sabi ni Shaun. "Jusko kilabutan ka nga Shaun. Eww!" "Tatanda na lang ako binata kung gano'n!" Natawa ang mga kasama namin sa table maliban kay Cly na mukhang seryoso. Tumingin ako kay Dax matapos kong makita so Cly nag kibit balikat lang ito sa akin.Sa buong pagkain namin ng lunch ay pinag-uusapan nila ang mga ping-aaralan nila. Para naman sasabog ang utak ko sa mga pinagsasabi nila. "Ah siya nga pala Dax manonood ako ng practice game niyo later!" masya kong sabi bago kainin ang brownies ko. "Bakit?" nagtatakang tanong niya sa akin. "Anong bakit?" "Bakit ka manonood?" "Tinatanong paba yan. Alam mo naman may gusto yan sa mga kateam mo!" sabi ni Aiden bago inumin ang kanyang tubig. Napatingin naman sa akin ang mga kaibigan nila. "Talaga Shana? Sino?" tanong ni Shaun. "Sino Shana? At ng malaman namin kung nararapat ba siya sayo," sabi naman ni Kevine na nagpatawa sa akin. "Hindi ko sasabihin sa inyo baka sirain niyo ako sa kanya!" "Ang daya!" "Ako alam ko kung sino!" "Manahimik ka Aiden kung ayaw mo isungalngal ko sayo tang kutsara!" Hanggang sa matapos kaming mag-lunch ay hindi ako tinigilan noong tatlo. Nanatiling tahimik si Cly buong lunch habang si Dax naman ay busy sa pagka-usap sa girlfriend niya. Tapos na ang klase namin at paglabas ko ng room ay naka abang sina Shaun, Kevine at Aiden. Kaya pala nakatingin kanina sa bintana ang mga kaklase ko. Hindi ko sila pinansin at nag lakad ako palayo sa kanila. Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang text ni Julien kanina. From Julien; Hello Shana! it's me Julien. Natanong ko na kay coach yung oras ng practice game namin. It's 5:30 PM punta ka ha? Rereplayan ko sana siya ng biglang nasa tabi ko na si Shaun. "Sabihin mo na kasi Shana," pamimilit sa akin ni Shaun. "Nope!" "Kung ganon sasamahan ka nalang namin sa gym!" "Bahala kayo!" Nagpatuloy ako sa pag lakad at sumunod nga sa akin. Hanggang sa makarating kami sa gym ay hindi sila tumigil kakatanong sa akin. Pagpasok ko ay nakita ko kaagad si Julien, nagulat naman ako ng bigla siyang lumapit sa kinatatayuan ko. "Hey nakarating ka!" masayang salubong niya sa akin. "Syempre niyaya a-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa pagsigaw ni Shaun. "Kapatid ko? Kapatid ko yung gusto mo Shana?!" Lupa lamunin mo nalang ako! please! ~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD