LUCKY: NAPAPALABI akong nagtatampo ang itsura na lalong ikinalamlam ng mga mata ng asawa kong nakayakap sa baywang ko na nagpapa-cute para patawarin ko. "Sorry na, hmm?" paglalambing nito. "Bumalik na nga tayo ng cottage. Mamaya may dumakma na naman sa akin dito at mabugbog ako na walang kalaban-laban," saad ko na kunwari'y nagtatampo. "Lucky naman. Sorry na, hmm?" ungot nito na iniakbay ang kamay ko sa kanyang lihim kong ikinangiti. "Nanunugod ka kasi kaagad. Parang. . . wala kang tiwala sa asawa mo," sagot ko habang naglalakad kaming nakaakbay ako dito at nakayakap naman ito sa baywang ko. "It's not like that, Lucky. Ayoko lang na may ibang babaeng umaaligid sa'yo. Tignan mo nga ang nangyari? Nahalikan ka ng iba. Masisisi mo ba ako na magalit akong makita ang eksenang 'yon? Ikaw

