Chapter 16

2558 Words
16 Yssa's POV "Who?" Naguguluhang tanong ni Jordan. Tinuro ko sa kanya ang babae pero paglingon namin ay wala na ito doon. Hindi ko alam kung ano'ng meron sa kanya at ganoon na lang kaba ko. "Yung babae. She was just standing there, beside the stage. She was looking at us.. more like, she was glaring at me..." Mahina kong sambit at muling kinilabutan nang maalala ko kung gaano ka talim ang kanyang titig. Ang kanyang mata na tila nag-aapoy sa galit habang nakatitig sa akin. What did I do to her? Humigpit ang paghawak ni Jordan sa kamay ko. "Huwag mo na lang pansinin, okay? Siguro nacurious lang iyon sa mukha mo. Ours is a small town. Most people here knows each other. And your face is something anyone could hardly forget. Kaya ka siguro niya tinititigan." Marahan niya pang hinaplos ang pisngi ko matapos niyang sabihin iyon. Hinayaan ko ang sarili kong paniwalaan siya. Bumalik rin kami sa bahay nila noong tanghalian. Nakahanda na ang pagkain at pinagsaluhan namin iyon sa likod ng bahay nila. Kung saan naroon ang mesang kahoy at mga upuan. Nakaharap iyon sa dagat ay umiihip ang hangin. The warm salty air brushed our faces and it actually felt nice. Nung bandang hapon na, nagpaalam na kami sa pamilya niya para bumalik. Sobrang saya ko na nakilala ko ang pamilya niya. Salat man sila sa yaman, busog naman sila sa pangaral at pagmamahal. LUNES. First day ko ngayon sa kompanya namin. Nasa sentro ng lungsod ang building namin. I was greeted by a busy atmosphere the moment I stepped inside our building. Dumiretso ako sa office ni Daddy. Doon ay pinag-usapan namin kung ano ang magiging role ko sa kompanya. He gave me some tasks that includes familiarizing myself with the background of our company. My Dad didn't settle for less because he gave me an office which is adjacent to his. It was medium-sized, with white walls that are obviously newly painted. A clerical table was placed on the center and a swivel chair. On the far corner, stood a mini refrigerator loaded with food. There's also a small partition where a bed was situated. Napangiti ako sa sobrang thoughtful ni Dad. I spent my day trying to read everything about the company. May mga files na rin na nakasave sa computer ko kung saan makikita ang mga importanteng dokumento ng kompanya, katulad ng mga sales report, audit report at mga financial statements. Pinagtuonan ko ng pansin ang Audit dahil iyon ang linya ko. Pinag-aralan ko din ang mga strategy ng kompanya, lalong lalo na sa marketing. Medyo sumasakit na rin ang ulo ko sa dami ng kailangan kong pag-aralan. Nung dumating ang lunchtime ay doon ako kumain sa opisina ni Dad. He ordered food for us. Nagulat pa ako dahil sobrang dami ng inorder niya. "So, how's your first day anak?" "Okay lang naman, Dad. Medyo sumakit lang ang ulo ko. Ang dami ko palang dapat aralin." I gave him a small smile and continued eating. "Well, that's alright anak. You'll have plenty of time to learn. Learning is not an overnight process. Hindi mo matutunan lahat sa isang basa lang. Kung minsan pa nga, hindi enough yung nakukuha natin sa libro. Kasi mas natututo tayo kapag na experience na natin ang mga bagay. Theories in the books are far more complex in real life." I couldn't argue anymore. Tama si Dad. Hindi lang naman yun sa trabaho na-aapply, kundi pati na rin sa lovelife. Yung tipong kababasa mo ng pocketbooks, naniwala kang may forever tapos sa huli, scam lang pala. Agad akong napailing. Kung saan-saan na naman lumilipad ang utak ko. "You're right, Dad. I have so much to learn pero I will get through it po. Nandiyan ka naman to guide me, di ba?" Dad just smiled and assured me that everything's gonna be okay. After our sumptuous lunch, I went back to my office and buried myself into more paperworks. Inuna ko yung mga files na may idea ako para mas maging madali para sa akin. Pagpatak ng alas singko, nagpaalam na ako kay Dad. Agad ako'ng nagdrive pauwi para magpahinga. Feeling ko kasi humiwalay na ang utak ko sa katawan ko. Yung pakiramdam na parang overloaded na ang isipan mo to the point na wala ka nang ibang maisip. Shucks! Mas nakakapagod pala talagang mag-isip compared sa mga physical activities. Being mentally exhausted is far more excruciating. I parked my car and immediately went upstairs. Minamasahe ko pa ang batok at sentido ko para kahit papano mawala ang masamang pakiramdam ko. I was about to open the door to my unit when a hand snatched mine. Sa pagkagulat ko ay nabitawan ko ang susi at agad na napatingin sa taong humablot sa kamay ko. Jeez! It's Jaxon again! "What do you need this time, Jaxon?" "I just want us to talk baby..." Baby his ass! Lumayo ako sa kanya ng maamoy ko ang alak sa kanyang hininga. I looked at him and realized how he changed, physically... May tumutubong balbas sa kanyang mukha, malaki rin ang ipinayat niya at ang mga mata niya ay nanlalalim. Gusto kong maawa, pero hindi na talaga kami pwede. "Jaxon, how many times do I have to tell you? Wala na tayong dapat na pag-usapan. We're done. Whatever relationship we had, it all went down the moment you cheated on me. Please, stop torturing yourself. Hindi na natin maibabalik pa ang lahat." Napasinghap ako nang humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Jaxon, let me go. Nasasaktan ako." "I love you babe. Ikaw lang ang mahal ko at sa ayaw at gusto mo, akin ka lang. Akin ka lang." Kinabahan ako ng makita kong nanlilisik na ang mga mata niya. Marahas niya akong kinaladkad papunta sa unit ko. "Let me f*****g go, asshole!" Malakas niya akong itinulak sa couch. Nakaramdam ako ng matinding kaba. Napanic ang buong sistema ko. Hindi ko malaman ang gagawin kaya naiyak na lang ako. As I looked at him, I could no longer see the Jaxon I loved. He's so consumed by his selfish love and the alcohol only made it worse. He's acting like a maniac lunatic. In this moments, I remembered that I have to stay calm and think. Kinapa ko ang cellphone na nasa bulsa ko. When I found it, I did the most rational thing to do. I dialed the number one on my speed dial. "Please, Jaxon. Let me go." "No babe. You're mine alone." Panic and fear spread all throughout my senses. He pinned me on the couch and forcefully kissed me. He was like a madman, a lunatic. I cannot do anything but to cry and shout, hoping that my neighbors hear me. "Jaxon, please let's talk it out. You don't have to do this to me." "Ayaw mo kong kausapin di ba? You wouldn't want to hear my explanation. So this is how I'll explain to you. This is why I cheated." I plead while I cried but he wouldn't even listen to me. I can feel his arousal as he brushed it against me. Just then, I kicked his balls and smashed my bag on his head. Napahiyaw siya sakit. I took the opportunity to leave my unit but before I reached the door, he grabbed my hair tightly. Muli akong napasigaw sa sobrang sakit. Pakiramdam ko matatanggal ang anit ko. Pero hindi ako nagpatalo. Muli pa ako'ng lumapit sa pinto para buksan ito kahit na masyado na akong pagod. I was slowly losing consciousness, and so I cried even harder. Jordan.... I need your help! And just before I closed my eyes, I heard vague shouts and distant voices. The door opened and a loud banging can be heard. Naramdaman ko na lang na binubuhat na ako ng kung sinoman. I WOKE UP inside a dark room. The lights are obviously off. I felt a searing pain in my head. Aside from that, I can also feel my whole body trembling as I recall what happened earlier. I'm a bit glad that I wasn't tied or something. In fact, I was tucked in bed with a comforter. Where am I? As if on cue, a warm light illuminated the place. That's when I realized how familiar this room is. It's Jordan's! I saw him standing at the doorway and looking intently at me. He took a few steps and settled himself on my side. "Are you okay?" He asked in his softest voice. "Hindi ako okay. Masakit ang ulo ko, parang matatanggal ang anit ko. Nanakit pa pati ang katawan ko." Naiiyak na kwento ko. Nanginging talaga ako kapag naalala kong muntik na ako'ng mapahamak. Agad akong niyakap ni Jordan at maingat na hinaplos ang ulo ko. Maya-maya pa'y lumabas siya saglit at agad na bumalik bitbit ang isang ice pack. He did cold compress on my head. Dahil biglaan ang nangyari at wala akong dalang damit, he let me borrow one of his T-Shirt and his boxer. "I'm so glad you came, Jordan. Pero paano mo nga pala nalaman ang nangyari?" "You called me, remember?" Napaisip ako and I remembered dialing his number on my speed dial. Tumango ako sa kanya. "When I heard you crying on the other line and shouting at him, I instantly felt mad and afraid. I couldn't imagine him doing nasty things on you. And your cry, it pierced my heart. Mabuti na lang talaga at hindi pa ako nakaka-alis. Sa sobrang kaba at nerbyos ko, halos paliparin ko na kotse ko papunta sa building niyo. All I had in mind was to get there before it's too late. I cannot, and will never forgive myself if something bad happened to you, Yssabella." My name sounded like music coming from his mouth. He leaned in and rested his forehead on mine. "And it's all because of you that I was saved. I owe you my life, Jordan. Kung hindi ka dumating... Hindi ko alam kung ano nang kinahinatnan ko." I shivered at the thought of Jaxon's filthy hands on my body. After what happened tonight, I guess I'll have to take legal actions against him. That night, hindi na pumasok si Jordan sa trabaho. He just took care of me. At ipinagpasalamat ko iyon dahil sa kabila ng nangyari, I was able to sleep soundly. His presence calmed me. The next day, I did not report to work. I just called Dad and told him that I got a flu and will just rest for the day. I don't want to worry him. Maaga namang naghanda si Jordan para pumasok sa paaralan. Malapit na ang kanilang exams at pagkatapos nun ay graduation na nila. Ayaw pa sana niyang umalis pero kinumbinse ko siya. Hindi tama na lumiban siya para sa akin. "If you need anything, don't hesitate to call me." Marami pa siyang ibinilin at puro oo lang ang sagot ko. Ngumiti pa ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi bago siya tuluyang umalis. Pagkatapos kong kumain ng breakfast ay agad din akong naligo. Umuwi muna ako sa unit ko para magpalit ng damit bago dumiretso sa korte para magfile ng Temporary Restraining Order laban kay Jaxon. Hindi biro ang kaba at takot na dinulot niya sa akin. I decided na huwag nang iblotter sa police ang nangyari because I don't want to drag our family name into mess. I'm trying to give him the benefit of the doubt. Maybe, kaya niya lang yon nagawa ay dahil sa sobrang kalasingan. However, I also had him banned in the building. Dahil din sa nangyari, naging paranoid ako. I kept on glancing backwards out of fear. Habang hindi pa na-approve ang TRO na hinihingi ko, hindi ako pwedeng maging kampante. Nang matapos ang transactions ko ay agad akong bumalik sa bahay ni Jordan. As of this moment, his place felt like a safe haven. Inaliw ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng libro. Noong hapon na, naghalungkat ako sa ref ni Jordan para magluto ng hapunan. Nakakahiya naman kung siya pa ang hihintayin ko, di ba? May nakita akong karne ng baboy at ilang gulay kaya nagluto na lang ako ng sinigang. Hindi ko alam kung magugustuhan niya to, pero atleast naman, nag-effort ako no. Nagsaing din ako sa rice cooker habang hinihintay na maluto ang ulam namin. Mag-aalas sais na nung dumating si Jordan. He looked like he was raped by ten gays. Magulo ang buhok, nakabukas ang ilang buton ng kanyang polo at bakas ang matinding pagod sa mukha niya. "Hey, you okay?" This time, it was my turn to ask him. I realized, palagi na lang pala ako ang iniintindi niya. Pero ni minsan, hindi ko man lang siya natanong kung okay ba siya. "Yeah. Napagod lang ako sa school. Marami kasing requirements na kailangang ipasa. Ang hirap pala pag graduating student ka na. Ang daming papers na ipapasa. Nag-extend tuloy ako school. Sayang naman ang pera kung mag-iinternet pa ako kaya sa library na lang ako nagresearch. Grabe, pakiramdam ko pinagsamantalahan ako sa sobrang stressed at pagod ko ngayon." Gusto kong matawa sa itsura niya, pero at the same time, mas lalo akong humanga sa kanya. Paano niya bang napagsasabay ang pagtatrabaho at pag-aaral? "Just look on the brighter side. Atleast ilang buwan na lang, makakatapos ka na. Mararating mo na ang pangarap mo." "Tama ka. Kaya nga pinag-iigihan ko. Marami akong pangarap, at lahat ng yon ay para sa pamilya ko. Kapag natupad lahat ng iyon, ako na ang pinakamasaya sa buong mundo." Nagkwentuhan pa kami doon. Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa Restraining Order at pati na rin ang pagban kay Jaxon sa condo. Pero dahil hindi pa rin ako panatag, at ganoon din siya, napag-usapan namin na dito na lang muna ako mag-stay sa bahay niya. May dalawang kwarto naman ang kanyang apartment at dalawang CR. I also told him na magseshare ako sa bills at grocery niya. Noong una, ayaw niyang pumayag pero kalaunan ay nakumbinse ko rin siya. Nagpasalamat siya dahil malaking tulong daw iyon para makatipid siya at may maipapadala pa siyang extra sa nanay niya. Ilang sandali pa ay naligo na siya at nagbihis para na rin pumasok sa trabaho. Ako naman ay inihanda ang mga pagkain namin. Masaya ang hapunan namin. Kahit papano ay nawala sa isip ko ang mga problema ko. Pagkatapos naming kumain ng hapunan ay sinamahan niya ako sa condo ko para kumuha ng mga damit. Hindi rin naman ako magtatagal doon kaya isang maliit na maleta lang inempake ko. Kinuha ko lang ang mga damit pang-opisina ko, pantulog at ilang casual na damit. Iniwan ko na rin ang kotse ko, as per his advice para daw hindi ako masundan ni Jaxon. Nang matapos ako sa pag-eempake ay ni-lock ko ang unit ko. Malungkot ako'ng napatingin at napa-isip kung bakit nga ba kailangang humantong sa ganito ang buhay ko. Inihatid ako ni Jordan sa apartment niya bago tumulak papunta sa bar ng Tito niya. Bago umalis ay ginawaran niya pa ako ng masuyong halik sa noo. "Lock the door when I leave. I'll be back soon. I'll be here before you know it, I promise." ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ To be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD