28 Yssa's POV Matagal kaming nagyakap sa harap ng unit ko. Ang dami ko'ng gustong itanong sa kanya pero pinanghinaan ako ng loob. Ilang sandali pa ay naghiwalay rin kami. Pinapasok ko siya sa unit ko at sabay kaming nag-almusal. Noon ko lang napansin na naka-formal attire siya at bagong gupit ang kanyang buhok. Bagay na bagay sa kanya ang suot niya. "Ngayon na ba ang final interview mo sa Skyline Hotel?", tanong ko sa kanya. "Oo, mamayang alas nuwebe ang schedule ng interview. Kinakabahan na nga ako," mahinang sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya. Alam ko na siguro ay iniisip niyang baka hindi siya matanggap dahil wala siyang connection doon, pero naniniwala ako sa kakayahan niya. Alam ko na kaya niya ito. Hinawakan ko ang kamay niya at marahan iyong pinisil. "Don't be nervous.

