14
Yssa's POV
Mabilis na lumipas ang mga araw. At dahil wala naman ako'ng trabaho, buong araw lang ako'ng nakahilata sa kama ko. Parang pa ulit-ulit na nga lang ang routine ko. Gigising, magluluto, kakain, manonood ng TV, maliligo at matutulog! Oh, di ba? Hindi naman masyadong boring ang buhay ko?
Sa loob ng ilang araw na nagdaan ay naging mapayapa naman ang buhay ko. Walang Jaxon na nanggulo na siyang ipinagpapasalamat ko. Siguro naman nagsawa na siya sa kakasuyo. Sabagay, bakit naman niya ako susuyuin eh nagawa nga niya ako'ng lokohin? Malamang naguluhan lang 'yon no'ng una, at ngayon narealize na niya na hindi talaga niya ako mahal, o minahal. Saklap!
Sa gabi naman, laging tumatawag si Jordan at inuuto ako. Nakaka-asar lang talaga kasi konting-konti na lang maniniwala na ako. Pero ayokong sumugal. Takot na akong sumugal. Masyadong masakit 'yong nangyari sa akin. Kung ano man ang meron sa aming dalawa, ayaw ko na iyong kwestyunin. Ang mahalaga, nagkakaintindihan kami... At masaya kami.
Friday na ngayon at inuubos ko lang ang oras ko sa pagbabasa ng libro ni Nicholas Sparks na 'Message in a Bottle'. Nakadapa lang ako sa kama ko at nakasuot ng specs. I like torturing myself. Gustong-gusto kong magbasa ng mga novels na nakakaiyak, katulad nito. Or sometimes, I would watch sad or tragic movies so I can cry. Maybe people think it's weird, but that's how I like it.
Ilang sandali pa, nag-ayos na rin ako ng sarili ko. Tinungo ko ang banyo para maligo. Nagpalit lang ako ng jogger shorts at black T-Shirt. Lumabas ako sa kwarto para magligpit ng ilang gamit doon sa sala. Hapon na noon kaya nagdecide na lang akong magluto para sa hapunan ko.
Habang nasa kusina ay nakarinig ako nang mahinang katok sa pintuan ko.
Who could it be? Wala naman akong inaasahan na bisita ngayon ah?
Sinilip ko muna sa peephole at laking gulat ko nang bumulaga sa akin ang mukha ni Jordan. Ano'ng ginagawa nito dito?
Agad ko siyang pinagbuksan pero lalo lamang ako'ng nagulat. May dala siyang foil balloon na may nakasulat na congratulations, at ganoon din sa isang maliit na black forest cake. Sa isang kamay ay may hawak siyang maliit na bilao, na naglalaman ng pansit.
Pinapasok ko siya at tinulungan sa mga dala niya. Parang lumulobo ang dibdib ko sa sobrang saya. I can't believe he really appreciates even the smallest things.
He immediately hugged me tight, and whispered to my ear.
"Congrats, beautiful!"
I wanted so damn hard to laugh because it was just a simple good news. But because of his effort, it felt a little more special. I just found myself hugging him tighter while sobbing on his chest.
"Huy, hala bakit ka umiiyak?"
"You're making me cry, Jordan. Thank you for this surprise. Sobrang na touch ako."
"Talaga? Kahit pansit at maliit na cake lang ang nakayanan ko?"
Nakataas ang kilay na tanong niya.
"Eh ano naman kung pansit at cake lang? Hindi naman mahalaga ang presyo eh. Alam mo kung ano 'yong mahalaga?"
He stared at me for a moment.
"Ano?"
"The thought, Jordan. That's what counts. I'm crying because you are so thoughtful. You may not know it, but I truly appreciate all your little actions."
He suddenly blushed and tried to hide it with a sheepish smile. He looked so cute with his bright red cheeks and ears.
"You're very welcome, Belle."
Dinala namin sa kusina ang pagkaing dala niya. We took a picture of the cake and balloon before we started eating. Hindi na rin ako nagluto kasi nabusog na rin kami sa cake at pansit. Ang sarap sa pakiramdam, sobrang gaan.
Ilang beses na akong nasurprise ni Jaxon, but I never felt this kind of happiness. Because looking back, I realized he only surprises me when he knows I'm mad at him. Like it was an obligation to make up to me. But with Jordan, this was so unexpected. And it literally made me tear up.
"Bakit ngayon lang kita nakilala, Jordan?"
Mahina kong tanong.
He slowly held my hand and squeezed it a little.
"Because right now, is the right time for us. God let's us meet other people on the way for us to learn a lesson. About love, about trust and timing. God's timing is always perfect, you have to remember that. If everything is falling on all the wrong places, then maybe it's not yet the time."
I pondered upon his words. Surely though, everything will fall in their exact places in God's perfect time. I could never question that one.
I smiled at him and the more I Iook at him, the more I realize that I'm slowly beginning to like him. He may not be rich, but he is rich in God's words and wisdom. Hey may not have everything, but he loved everything he had. He's the type of person who sees positivity despite all the negative situations, he sees success in failures and he loves despite being hurt.
"Yssa, you're melting me with your stare."
He said in a hoarse voice, and without a warning, he held my chin and closed our distance with a deep passionate kiss. I trembled as I held his chest for support.
I used to imagine how his lips tasted when he's sober, and there's only one word to describe it. 'Heaven', that's how it felt being crushed by his mascular arms and kissed by his ferocious lips.
The kiss almost took my breath away. It was the sweetest, mind-blowing kiss I've ever had. Only him has made me feel all these sorts of emotions at once.
"Jordan..." I whispered as he let me go. Oh, how I don't want it to end. I love the feel of his lips on mine. Am I going crazy?
He hugged me tighter. Idinikit niya ang noo niya sa noo ko. My heart started beating faster at the feel of his warm breath fanning on me. His manly scent lingering on my nose.
"Yssa, will you be mad if I tell you, I don't want to let you go now? I... I love how close you are to me."
Lalong bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi niya. And just like him, I don't want to let go either. I've never felt safe in my whole life. He's the only guy who made me feel safe and loved. That there shouldn't be anything to be afraid of. His presence is enough to make me feel that I'm in good hands.
Natagpuan ko na lang ang sarili kong nakasandal sa dibdib niya at nakayakap din sa kanya. Pakiramdam ko lahat ng rational thoughts ko ay biglang naglaho. Everything seems surreal, perfect and right. And if this is just a dream, I would rather choose to sleep than wake up.
Naramdaman kong hinalikan ni Jordan ang tuktok ng ulo ko habang mahigpit pa ring nakayakap sa akin.
He burried his face on my neck. It felt so intimate and sweet, and for a moment, I thought it could just last forever. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. With Jaxon, I always feel uncomfortable in his touch. But with Jordan, it always felt different. It feels special, it makes me feel as though I'm a different dimension.
I shook my head and scolded myself mentally for comparing them. I should have known, it would always be different. Because Jordan is an honest person while Jaxon is a conniving liar piece of s**t.
We stayed hugging each other for a few minutes before cleaning up. Siya na ang nag volunteer na maghugas ng pinggan habang ako naman ang nag-ayos ng mesa. Pagkatapos namin doon ay tumambay pa muna kami sa veranda.
Sabay kaming napatingala sa langit para panoorin ang pagkislap ng mga bituin. Ang ihip ng hangin na parang musikang humaharana sa amin. The silence made us both feel at peace.
No one talked about the kiss. Ako man ay takot na magtanong. Gusto kong malaman kung bakit niya ako hinalikan pero ayokong marinig ang sagot. Hindi ako handa. Ayokong paasahin ang sarili ko. Walang kami ni Jordan. Magkaibigan lang kami.
Gaga! May magkaibigan ba'ng naghahalikan?
A part of me wanted to know what he truly feels about me. Kasi ako, alam ko sa sarili ko na nagkakagusto na ako sa kanya. Hindi kasi siya mahirap na magustuhan. Palagi siyang nandiyan simula noon. He was a witness to how I am hurting because of Jaxon. Sa maraming pagkakataon, he never took advantage of me. What happened to us during that night was both our decision. Hindi niya ako pinilit. Kusa kong nagustuhan iyon.
Ilang beses nga bang si Jordan ang naging karamay ko sa sakit. Ilang beses na umiyak ako sa kanya nang dahil kay Jaxon. Pero sa lahat nang iyon, hindi niya ako sinisi. Lagi lang siyang nakikinig, nagbibigay ng payo kung kinakailangan. Kaya hindi na rin kataka-taka kung madali ko siyang nagustuhan.
He is so transparent. Kung anong nasa isip niya ay sinasabi niya. He's a dreamer. Palagi niyang iniisip ang kapakanan ng pamilya niya. He's a very loving kind of person. Hindi lang sa pamilya, kundi maging sa mga taong malapit sa kanya. Yung tipong kahit masakit na sa kanya, pero nakukuha pa niyang pagaanin ang loob mo. Ganyan siya ka selfless na tao. Bihira lang ang mga katulad niya.
Muli kaming pumasok at naupo sa couch sa living room. Magkatabi lang kami ni Jordan at tahimik na nanunood ng TV.
"Do you have plans for this weekend, Belle?"
Napaisip ako. Actually, wala naman akong gagawin kung hindi ang muling tumambay sa bahay sa buong maghapon.
"Hmm, wala naman. Sa lunes pa ang pasok ko sa kompanya namin. Bakit?"
"Ahm, I'm planning to visit my family this weekend. If you want, you can come with me."
Nagulat ako. He's asking me to accompany him to visit his family. Muling sumibol ang init sa puso ko sa isiping iyon.
"Sure. Pero sure ka ba na gusto mo akong isama?"
"Of course. In that way, I can be with my family and with you. It's just like hitting two birds in one stone."
Napatulala ako sa kanya. Gusto niya akong isama, kasi gusto niya akong makasama? Oh my God, pakiramdam ko wala nang harang sa puso ko sa mga oras na ito. I feel like falling...
"Jordan... Are you..."
Are you willing to catch me?
Yan ang gusto kong itanong, pero bigla akong tinamaan ng hiya. Kakasabi ko lang sa sarili ko na hindi ko kukuwestyunin kung anong meron kami pero heto, at nagsisimula na ako'ng umasa. At nagsisimula na rin akong matakot.
"Just don't think of anything, Belle. Let's just enjoy this happy feeling. I love spending time with you. I love being near to you..."
It's as if he knows what's going on inside my head. Tumango lang ako sa kanya. I couldn't argue anymore, because I know it myself. I'm not ready for another commitment any time soon.
If it's God's will, then it will be.
For now, we will just enjoy each other's company.
After a few moments, he left for work. Pero bago pa man siya umalis, muli niyang inangkin ang mga labi ko. Sa paraang kahit kailan ay hindi ko pa naranasan. His soft lips brushed on mine in a gentle manner and left me feeling like I was on cloud nine.
Kinabukasan ay naghanda ako. Alas diyes ang usapan namin. Ang sabi ni Jordan, malapit sa dagat ang bahay nila. Dati raw siyang tumutulong sa mga mangingisda kapalit ng isang kilong isda para may pang-ulam sila.
Nagdala ako ng swimsuit dahil nangako siyang ipapasyal niya ako sa dagat. Nagdala rin ako ng shorts at ilang T-Shirt. Nilagay ko ang mga essentials ko sa loob ng bag at maging ang wallet ko.
Nagsuot lang ako ng maong shorts at fitted cropped top shirt. Isinuot ko ang puti kong sneakers at shades. Isinukbit ko ang backpack ko sa likuran ko at bumaba para hintayin si Jordan sa harap ng building.
Pagkaparada niya ng sasakyan ay agad akong sumakay sa front seat. Tiningnan niya lang ako at ngumiti bago kami lumulan papunta sa bayan nila.
Makalipas ang isang oras ay pumasok kami sa isang maliit na komunidad. Ang mga bahay ay maliliit lamang at karaniwan ay gawa sa light materials.
Pumarada kami sa harap ng isang bahay na may kalumaan. Bagamat maliit ay maayos iyon at malinis. May mga halaman na nakatanim sa harapan ng bahay.
Mula doon ay lumabas ang isang binatilyo na sa tantya ko ay nasa kinse ang edad at isang batang babae na nasa sampu. Mabilis silang lumapit at yumakap kay Jordan.
"Kuya! Na miss kita." Anang batang lalaki.
"Kuya! Ano'ng pasalubong mo sa amin?"
Excited na sabi naman ng batang babae. Dumiretso sila papunta sa gawi ko at mukhang nagulat nang makita ako.
"Uy Kuya, akala ko laruan ang pasalubong mo, Ate pala. Uyy, si kuya may girlfriend na."
Agad ako'ng namula sa tinuran ng kapatid niya.
"Jordynn, ang kulit mo. Huwag mo ngang bibiruin ng ganyan ang ate mo, baka patulan niya, sige ka!"
Napaubo ako sa sinabi niya habang siya naman ay tawang-tawa na akala ang galing niyang magjoke. Gago!
Tumikhim muna siya bago ako ipakilala sa mga kapatid niya.
"Jordy, Jordynn, siya nga pala ang ate Yssa niyo. Kaibigan ko siya. Ah, Yssa, these are my siblings, Si Jordy, high school na siya. Ito namang si Jordynn nasa elementary pa lang. Pagpasensyahan mo na nga pala at maliit lang ang bahay namin."
Napakamot pa siya sa kanyang ulo na tila nahihiya. Hinawakan ko ang kamay niya.
"The size of the house doesn't matter Jordan. What matters is how big the heart of the owner is. Aanhin mo ang napakalaking mansyon, kung hindi mo naman maramdaman na may kasama ka doon?"
He just smiled at me and mouthed 'Thank You'. Pumasok na kami sa loob. May dala si Jordan na dalawang plastic ng groceries habang hawak-hawak naman ni Jordynn ang bagong cooking playset na binili ni Jordan para sa kanya.
Katulad ng sa labas, malinis din ang loob ng bahay nila. May kalumaan na ang kanilang mga gamit. Maging ang TV nila ay luma na. Sa dingding ay may nakasabit na mga picture frame. Naroon ang litrato nilang magpamilya. Mayroon ding litrato si Jordan noong gumraduate siya sa high school. Simple lang ang kanilang bahay pero punong-puno iyon ng buhay. Parang musika sa pandinig ko ang masayang tawanan ni Jordan at ng mga kapatid niya.
Ilang sandali pa ay dumating ang kanyang ina na kagagaling lang sa paglalabada. Mababakas sa mga linya sa kanyang mukha ang pagod pero ang tinig niya hindi mo mababakasan ng lungkot.
Agad kaming tumayo at nagmano.
"Ka-awaan kayo ng Diyos, anak."
"Nay, si Yssa po pala. Kaibigan ko. Yssa, siya nga pala ang nanay ko. Si Nanay Jocelyn."
"Nice to meet you po, Tita."
Ngumiti ako sa kanya at ganoon din siya sa akin. Napahinga ako ng maluwag nang marealize ko kung gaano kadali para sa pamilyang ito na tanggapin ako sa pamamahay nila.
Noong hapong iyon ay si Jordan ang nagluto ng hapunan namin. Simple lang ang buhay nila, tuwang-tuwa ang mga kapatid niya sa ulam na ginisang corned beef. Habang sa amin naman ay pinakbet na mayroong giniling na baboy. Naparami pa nga ako ng kain dahil nakakagana silang kasabay.
Tinulungan ko si Jordan sa pagliligpit habang nagpaalam naman ang ina niya na maagang magpapahinga. I salute his mom. Kahit na gaano ka hirap ang buhay ay hindi niya ito sinukuan. Nagtrabaho siya para buhayin ang mga anak niya. Kaya siguro ganoon na lang ang determinasyon ni Jordan.
Sa likod ng bahay nila ay mayroong upuang kahoy. Doon muna kami ng nagpahangin habang umiinom ako ng tea para matunawan sa kinain ko.
Maya-maya pa'y naramdaman ko ang presensya ni Jordan sa likuran ko. Niyakap niya ako mula sa likod at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
"Thank you for coming into my life, Yssa."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
To be continued...