"You are a thousand miles away, but no one is closer to my heart than you are." ~TodayWeDate.com 33 JORDAN'S POV I parked my car in the garage. Kinuha ko ang groceries mula sa backseat ng sasakyan. Bumukas ang front door at niluwa niyon si Jordynn na tumatakbo. "Kuya!" she squealed. "Jordynn, ano ba? Ang tanda mo na pabebe ka pa rin!" Sigaw sa kanya ni Jordy. I smiled as I handed them the groceries. I stayed outside for a little while, admiring the scenic view in front of me. Ang bilis lumipas ng panahon, parang noon lang maliliit pa sila. Jordynn is now in high school while Jordy is in college. Nakabili na rin ako ng lupa sa isang subdivision at nakapagpatayo ng dalawang palapag na bahay. Sa ngayon, tumigil na si Nanay sa paglalabada. Nandito na lang siya sa bahay. I sighed, my

