Unti-unting idinilat ni Adriana ang mga mata ngunit agad din siyang pumikit. Nasa hospital na naman siya at muling naamoy ang mga gamot na 'yon. Muli siyang dumilat para hanapin kung nasaan si Sebastian. Ngunit wala ito doon, umupo siya.
"Aw." Daing nang bahagya niyang maramdaman ang kirot sa tiyan. Nilibot niya ng tingin ang buong kwarto.
"Nasan kaya 'yong taong 'yon." Bulong niya, maya-maya ay bumukas ang pinto. Madilim na mukha ni Baste ang bumungad sakanya.
"Oh bakit?" Tanong niya masama kasi ang tingin nito sakanya. Lumapit ito sa mesang nasa tabi niya saka may nilapag ang isang plastic don na may lamang saging.
"Alam mo naman pa lang may mali sa luto ko kinain mo pa rin." Galit na sabi nito habang nakatalikod sakanya. Ramdam niya galit nito. Nakikita niya 'yon base sa pagkakakuyom ng kamay nito.
"Ah, B-baste masarap naman tala- - -
Humarap ito sakanya na may matalim na tingin.
"You're lying!!" Sigaw nito, nagulat naman siya sa inasal nito. Parang may animo'y itim na ulap na lumapit ito sakanya.
"Pano kung ikamatay mo 'yon ha?!!" Sigaw na naman nito.
"Grabe ka patay agad? Nanakit lang 'yong - - - - -
"Just shut your mouth!" Sigaw nito, naiinis na siya dahil sa sigaw nito. Kinuha ko ang isang unan ng hospital at binato iyon dito. Natamaan ito sa mukha, masama pa rin ang tingin nito sakanya.
"Ayoko lang naman na mapahiya ka ha?! kaya kahit napakapangit ng luto mo pinag tiyagaan ko kasi nag effort kapa don!" Naiinis na sabi niya. Magsasalita sana ito pero tinalikuran niya na ito. Muli siyang humiga.
"Umalis kana bumalik ka na lang kapag 'di na mainit 'yang ulo mo." Sabi niya dito at saka pumikit.
"Grabe ako na nga 'yong nagtiyaga ng luto niya dahil naaawa ako sa mga sugat niya ipagluto lang ako siya pa nagagalit." Bulong niya.
"Adriana." Tawag nito. Bahala siya diyan tulog ako! Naramdaman niyang umupo ito sa gilid kama.
"Uy, harapin mo 'ko." Masuyong sabi nito. Ayoko nga! manigas ka diyan! Narinig niyang bumuga ito ng hangin.
"I'm sorry. Kinabahan lang naman kasi ako kanina, akala ko mawawala ka sakin eh." Sabi nito. Natulala naman siya sa sinabi nito. Baka kasi nagkakamali lang siya ng narinig.
"Kahit pananakit lang ng tiyan 'yan nababalitaan kong may namamatay din dahil don." Sabi pa nito, inirapan niya ito.
"Ayoko talagang mawala ka sakin kaya takot na takot ako."
Hindi naman siya nakaimik sa sinabi nito. Sumabay pa ang malakas na kabog ng dibdib niya dahil sa sinabi nito.
"Bibili lang ako ng gamot mo babalik din agad ako. Kainin mo 'tong saging, sabi ni doc."
Hindi pa rin siya kumikilos.
"Wag ka ng kiligin diyan aalis na 'ko kainin mo na 'to ha?"
Napapikit siya ng mariin, pambasag talaga ng trip 'tong taong 'to eh!
Akala niya ay umalis na ito. Naramdaman na lamang niya na may humawak sa kanyang balikat at hinalikan ang sentido niya. Ilang beses siyang kumurap.
"Ich liebe dich, Mein angel Adriana." Bulong pa nito bago humiwalay sakanya.
Ano daw? dinasalan niya ba 'ko?
Maya-maya ay narinig niyang nagsara na ang pinto. Lumingon siya sa gawing pinto.
Ilang sandali siyang natigilan habang iniisip ang ginawa nito kanina.
Napangiti siya at muling nahiga.
"ANG baho naman nito bwisit!!" Gigil na binitawan ni Sebastian ang hawak na itim na plastic.
Tinapon niya sa basurahan sa labas ng bahay ang mga basurang nakaimbak sa kusina niya. Pagtapos non ay pumasok agad siya sa loob ng kabahayan at dumeretso sa banyo niya. Ilang oras siyang nagbabad sa tubig para matanggal ang amoy na kumapit sa katawan. Ngayon niya masasabing hindi pala madali ang ginagawa ng mga babae. Linis ng buong bahay, laba dito, linis ng banyo. Lahat 'yon ginawa niya. Kaya humahanga siya sa mga babaeng kayang gawi ang lahat ng 'yon. Ilang sandali pa ay lumabas na siya ng banyo na tanging boxer ang suot. Dinampot niya ang sandong itim na nasa kama at sinuot saka niya tinungo ang kwarto ng dalaga, hindi niya na hahayaang kumilos ito sa loob ng bahay niya. Naabutan niyang mahimbing pa rin ang tulog nito kaya lumabas muna siya, sakto namang nag-ring ang cellphone niya.
"Hey Sebastian punta ka dito mamaya may big show tayo." Sabi ni Clifford mula sa kabilang linya. Ang big show na sinasabi nito ay babae sa mga naturang club na pinupuntahan niya.
"Hindi ako makakapunta eh." Sabi niya. Muli siyang pumasok sa kwarto ni Adriana at umupo sa tabi nito. Nakatalikod ito ng higa sakanya.
"Oww, sayang naman maganda pa naman ang sasayaw mamaya, for sure ikaw na naman ang makakadali don."
Pina ikot-ikot niya sa hintuturo ang dulo ng buhok ni Adriana.
"Si Grey na lang, hindi ko pwedeng iwan ang kasama ko eh." Nakangiting sabi niya. Narinig niya ang pagtawa nito mula sa kabilang linya.
"Eww, tinawagan ko na siya at kagaya mo 'yan din ang sinabi niya sakin. Oh let me guest, katabi mo siya ngayon no?"
He smiled widely, hinaplos niya ang malambot na buhok ng dalaga.
"Yup, so i-o off ko na 'to. Enjoy." Pagkasabi non ay pinatay niya na ang tawag. Biglang humarap ng higa sakanya si Adriana at sa pagkagulat niya niyakap pa siya nito. He smiled then look at her angelic face.
"My sweet little queen Adriana sigurado akong patay ako nito pag nagising ka" Bulong niya, naglakbay ang kamay niya patungo sa bewang ng dalaga. Nagpantay ang mukha nilang dalawa. He touch her eye brow, nose, and eyes. Natigilan siya ng dumako ang tingin niya sa labi nito. Unti-unti bumaba ang labi niya.
Unti-unti siyang napapikit ng bahagya niyang naramdaman ang malambot na labi nito.
Nakangiting nilayo niya ang mukha dito at muling tinanggal ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha nito.
"I'm a bad man Adriana and i don't care for everything except my family, but you're my biggest weakness at ikaw ang taong ayokong mawala sakin."
Dahil simula nang dumating ito iba't-ibang emosyon na ang naramdaman niya at hindi niya ipagkakaila na mahal niya na ang dalaga.
"TALAGA? Pano ka nakakasiguro na nandon nga siya."
"Sir nakita ko pong lumabas sila ng hospital kasama ang lalaking 'yon at nasisiguro kong si Ading nga ang nakita ko."
Tumango-tango ang lalaking may hawak ng baril pagkuwa'y tumingin malayo.
"Good, ano nang nangyari kina Espen?" Tanong niya sa inutusang tauhan.
"Wala na po sila sir. May dumali ho sakanila."
Nakuyom niya ang kamao saka bumuga ng hangin. Pinatay niya ang tawag saka tumingin sa harap niya.
"Maghintay ka Dexter Arragon sisiguraduhin kong masakit ang mangyayari sa anak mo, sisiguruhin ko 'yan." Matiim na sabi niya. Hindi niya hahayaang mawala sa isang iglap lang ang ilang taong paghihintay niya para makaganti dito. Hindi niya bibigyan ng kasiyahan ang mga ito.
Tinutok niya ang baril sa litratong nasa di-kalayuan at pinutok 'yon. Tumaas ang sulok ng labi niya ng matamaan niya ang ulo ni Sebastian Arragon.